Q4 AP - Week 1 Flashcards
Siya ay isang Ingles na manggagamot na unang nakapaglarawan nang lubusan at puspusan sa sistematikong sirkulasyon at mga katangian ng dugo na binobomba sa utak at katawan sa pamamagitan ng puso.
William Harvey
Inilathala niya ang kaniyang The Skeptical Chymist sa London
Robert William Boyle
Ito ay nagsasaad na kung ang dami ng gas ay nababawasan, ang presyon ay proporsiyonal ding tumataas.
Boyle’s law
Siya ay isang physicist na Ingles na nagbalangkas ng compound microscope at illumination system, isa sa pinakamahuhusay na mikroskopyo sa kaniyang panahon.
Robert Hooke
Nagsasaad na ang pagkabanat ng isang bagay na solido ay proporsiyonal sa puwersa na inilapat dito.
Hooke’s law
Siya ang nagsagawa ng pag-aaral sa mga katangiang taglay ng hangin na nagbigay-daan sa pagkakatuklas ng oxygen.
Joseph Priestley
Siya ay isang French na nakatuklas ng combustion.
Antoine Lavoisier
Siya ay madalas na tinutukoy bilang Ama ng Anatomiya.
Andreas Vesalius
Pinagsama niya ang laws of planetary motion ni Kepler at ilang mga kaisipan ni Galileo sa isang komprehensibong pag-unawa sa organisasyon ng daidig ayon sa law of universal gravitation.
Isaac Newton
Isang astronomong naniniwala rin sa Copernicus theory.
Johannes Kepler
Siya ay isang pilosopo at siyentipikong Ingles na nagpakilala sa kasalukuyang siyentipikong pamamaraan.
Francis Bacon
Isang matematiko, siyentikipiko, at pilosopong French.
René Descartes
Siya ay isang Italian polymath at may bansag na “The Father of Modern Science”.
Galileo Galilei
Siya ay isang matematiko at astronomo noong panahon ng Renaissance.
Nicolaus Copernicus
Ito ay naglalagay sa mundo bilang sentro ng sistemang solar (solar system).
Geocentric theory