Produksyon at mga Salik nito Flashcards
Ito ay ang proseso ng pagsasama-sama ng mga salik o hilaw na materyales upang makabuo ng produkto.
Produksyon
PUNAN ANG MGA PATLANG
Ang salitang ugat ng produksiyon na ________ ay nagmula sa salitang Latin na _________ na nangangahulugan ng __________ o ____________, o __________; ___________.
(1) Produce
(2) Producere
(3) Paglikha
(4) Pagbuo
(5) Lead or bring forth
(6) Draw out
Ito ay ang tawag sa lahat ng bagay na dumaan sa isang proseso o pagpapalit-anyo.
Produkto
Ito ay kapag ang produkto o output ay ipinagbili na sa pamilihan.
Commodity
Ano ang dalawang uri ng produkto ayon sa anyo?
(1) Goods
(2) Services
Ito ay ang mga produktong nahahawakan o tangible.
Goods
Ito ay ang mga produktong hindi nahahawakan o intangible.
Services
Ano ang tatlong antas o uri ng produksyon?
(1) Primary Stage
(2) Secondary Stage
(3) Final Stage
Ito ay ang pagkalap ng mga hilaw na sangkap (raw materials), kung saan ito ay itinuturing bilang extractive na aktibidad dahil kinukuha ang mga bagay na maaaring mapakinabangan mula sa mga likas na yaman.
Primary Stage
Ito ay ang pagpoproseso ng hilaw na sangkap (refining process), kung saan kabilang dito ang pagmamanupaktura ng mga hilaw na materyales upang magamit sa paglikha ng iba pang produkto o serbisyo.
Secondary Stage
Ito ay ang pagsasaayos ng mga tapos na produkto (packaging, labeling, and distribution) para mapakinabangan ng tao.
Final Stage
Ito ay tinatawag ding mga materyales at paglilingkod ng mga salik ng produksyon.
Input
Ano ang dalawang uri ng input?
(1) Fixed Input
(2) Variable Input
Ito ang mga kalakal o paglilingkod na resulta ng proseso ng produksyon.
Output
Ito ay ang tawag kapag nagkaroon ng pagbabago sa output kapag may idinagdag sa input na may salik na nag-iiba o variables.
Pangksyon na Produksyon (Production Function)
Ano ang apat na salik ng produksyon?
(1) Lupa
(2) Lakas paggawa
(3) Kapital
(4) Entreprenyurship