Karapatan at Tungkulin bilang isang Mamimili Flashcards
Ano ang walong karapatan bilang isang mamimili?
(1) Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan (Right to Basic Needs)
(2) Karapatan sa Kaligtasan (Right to Safety)
(3) Karapatan sa Patalastasan (Right to Information)
(4) Karapatang Pumili (Right to Choose)
(5) Karapatang Dinggin (Right to Representation)
(6) Karapatang Bayaran at Tumbasan sa Ano mang Kapinsalaan (Right to Redress)
(7) Karapatan sa Pagtuturo Tungkol sa Pagiging Matalinong Mamimili (Right to Consumer Education)
(8) Karapatan sa Isang Malinis na Kapaligiran (Right to a Healthy Environment)
Ito ay tumutukoy sa karapatan sa sapat na pagkain, pananamit, masisilungan, pangangalagang pangkalususugan, edukasyon at kalinisan upang mabuhay.
Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan (Right to Basic Needs)
Ito ay tumutukoy sa karapatang bigyan ng katiyakang ligtas at mapangangalagaan ka laban sa pangangalakal ng mga panindang makasasama o mapanganib sa iyong kalusugan.
Karapatan sa Kaligtasan (Right to Safety)
Ito ay tumutukoy sa karapatang mapangalagaan laban sa mapanlinlang, madaya at mapanligaw na patalastas, mga etikita at iba pang hindi wasto at hindi matapat na gawain.
Karapatan sa Patalastasan (Right to Information)
Ito ay tumutukoy sa karapatang pumili ng iba’t ibang produkto at paglilingkod sa halagang kaya mo. Kung ito ay monopolisado ng pribadong kompanya man, dapat na magkaroon ka ng katiyakan sa kasiya-siyang uri at halaga ang produkto nila.
Karapatang Pumili (Right to Choose)
Ito ay tumutukoy sa karapatang makatiyak na ang kapakanan ng mamimili ay lubusang isinaalang-alang sa paggawa at pagpapatupad ng anumang patakaran ng pamahalaan.
Karapatang Dinggin (Right to Representation)
Ito ay tumutukoy sa karapatang bayaran at tumbasan sa ano mang kapinsalaan na nagbuhat sa
produkto na binili mo.
Karapatang Bayaran at Tumbasan sa Ano mang Kapinsalaan (Right to Redress)
Ito ay tumutukoy sa karapatan sa consumer education, nagtatanong at nagtatanggol sa iyong karapatan.
Karapatan sa Pagtuturo Tungkol sa Pagiging Matalinong Mamimili (Right to Consumer
Education)
Ito ay tumutukoy sa karapatang mabuhay at maghanapbuhay sa lugar na kung saan ay hindi mapanganib. Ito rin ang karapatan na nabibigay-pahintulot sa mga mamimili na magkaroon ng pamumuhay na marangal at maayos.
Karapatan sa Isang Malinis na Kapaligiran (Right to a Healthy Environment)
Ito ay nangangalaga sa mga karapatan at kaligtasan ng mga mamimili.
Consumer Act of the Philippines (Republic Act 7394)
Ito ay ang pagbabawal sa panggagaya ng tatak at itsura ng isang produkto.
Revised Penal Code
Ito ay ang pananagutan ng prodyuser na panatilihin ang kaligtasan ng mga mamimili.
Civil Code of the Philippines
Ito ay tumutukoy na dapat maglagay ng price tag sa mga bilihin.
Price Tag Law
Ano ang limang tungkulin ng mga mamimili?
(1) Mapanuring Kamalayan
(2) Pagkilos
(3) Pagmamalasakit sa Lipunan
(4) Kamalayan sa Kalikasan
(5) Pagkakaisa
Ito ay ang tungkuling maging listo at mausisa tungkol sa kung ano ang gamit, halaga, at kalidad ng mga paninda at paglilingkod na ating ginagamit.
Mapanuring Kamalayan