PPT6 Flashcards
Nagsisilbing daan upang ang bawat isa ay
magkaroon ng ugnayan. Tumutulong para maibahagi
ang mga bagay bagay o kaalaman na gustong
iparating sa kapwa.
Diyalogo
Kilala din bilang sine at pinilakang tabing, ay isang larangan na
sinasakop ang mga gumagalaw na larawan, bilang isang anyo ng sining o bahagi
ng industriya ng libangan.
Pelikula
ay kalipunan ng mga salitang may simuno at panaguri na
maaaring may buong diwa (makapag-iisa) o di-buong diwa (di makapag-iisa). Ito ay
tinatawag na Clause sa wikang Ingles
Sugnay
Isang bantog na iskolar mula sa Inglatera
Naging malaking ambag niya sa mundo ng lingguwistika ang popular niyang modelo
ng wika, ang systematic functional linguistics.
Michael Alexander Kirkwood
Halliday
ibinahagi sa nakararami ang kaniyang pananaw na ang wika ay isang panlipunang
penomenon.
Michael Alexander Kirkwood
Halliday
Nakapagpapanatili/ nakapagpapatatag ng
relasyong sosyal
INTERAKSYONAL
Tumutugon sa mga pangangailangan
INSTRUMENTAL
Kumukontrol o gumagabay sa kilos/asal ng
iba
REGULATORI
Nakapagpapahayag ng sariling damdamin o
opinyon
PERSONAL
Nakapagpapahayag ng imahinasyon sa
malikhaing paraan
IMAJINATIV
Naghahanap ng mga impormasyon/datos
HEURISTIK
Nagbibigay ng impormasyon/datos
INFORMATIV
Nagpapahayag ng komunikasyon
pamamagitan ng mga simbolo o sagisag
REPRESENTATIV
Paraan ng Pagbabahagi ng Wika (Jackobson 2003)
- Damdamin
- Panghihikayat
- Pakikipagugnayan
- Saggunian
- Kuro-kuro
- Patalinghaga
Ito ay mga salitang tulad ng panghalip na nagkakawing
sa mga salita, parirala
at sugnay.
cohesive device o kohesiyong gramatikal
- Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging reperensiya
ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap
Reperensiya (Reference)
Ang reperensiya ay ang paggamit ng mga panghalip o iba pang salitang tumutukoy sa naunang
nabanggit na tao, bagay, o ideya sa teksto. Ito ay may dalawang uri:
- Anapora: Kung kailangang bumalik sa teksto upang malaman kung sino o ano ang tinutukoy.
- Katapora: Kung nauna ang panghalip at malalaman lang kung sino o ano ang tinutukoy kapag
pinagpatuloy ang pagbabasa.
“Nasa sala si Maria. SIYA ay nanonood ng telebisyon.”
Anapora
“SILA ang naging dahilan ng tagumpay. Sina Ana at Liza ay nagtrabaho nang husto.“
Katapora
Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita.
Substitusyon (Substitution)
“Mataas ang presyo ng bigas sa palengke. ITO ay nakakabahala para sa mga mamimili.”
Substitusyon (Substitution)
May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang
maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang naunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig
ng nawalang salita.
Ellipsis
“Gusto ko ng mangga, at si Ana RIN”
Ellipsis
ginagamit upang pag-ugnayin ang mga
parirala, sugnay, at pangungusap, na nagbibigay linaw sa relasyon ng mga
ideya. Nagagamit ito upang maging mas maayos at magkakaugnay ang mga
bahagi ng pahayag.
Pang-ugnay
“Nag-aral siya nang mabuti, KAYA siya ay pumasa sa pagsusulit.”
Pang-ugnay
Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng kohesyon.
Kohesyong Leksikal