Pag-unlad-ng-Wikang-Pambansa Flashcards
Tagalog bilang opisyal na
wika ng pamahalaan. Bagaman
hindi pa ito ang pormal na
pambansang wika, nagsilbi itong
unang hakbang tungo sa
pagkakaroon ng sariling wika ng
mga Pilipino bilang
pagkakakilanlan sa gitna ng
pakikibaka laban sa kolonyalismo
Konstitusyon ng Biak-na-Bato
(1897)
Sa panahong ito, ginamit ng mga
Amerikano ang Ingles bilang wikang panturo sa
mga paaralan.
Panahon ng Amerikano (1901-1935)
Itinatag ng pamahalaang Komonwelt ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) upang pag-aralan ang mga umiiral na wika sa bansa
at tukuyin kung aling wika ang magiging batayan ng pambansang wika. Sa pag-aaral ng SWP, napili ang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa dahil sa lawak ng gamit at sa masaganang panitikang nasusulat dito
Batas
Komonwelt Blg.
184 (1936)
Sa panahon ni Pangulong Manuel L. Quezon, ipinahayag na ang wikang pambansa ay ibabatay sa Tagalog. Ito ang unang pormal na hakbang upang kilalanin ang isang pambansang wika na nagbigaydaan sa mas sistematikong pagtuturo,
pagsulat, at pagsasalita ng wikang
Filipino
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134
(1937)
Sinimulan ang pagtuturo ng
Wikang Pambansa sa mga
paaralan. Nagsilbing paraan ito upang maipakilala ang pambansang wika
sa kabataan
Pagpapalaganap ng Wikang
Pambansa (1940)
Pinalitan ng mga Hapones ang
Ingles ng mga wikang katutubo,
partikular na ang Tagalog, sa mga
paaralan at opisina bilang bahagi ng propaganda para sa Greater East Asia Co-Prosperity Sphere. Dahil dito, mas lumawak ang paggamit at pagtuturo ng Tagalog, na lalong nagpatibay sa papel nito bilang pambansang wika
Panahon ng Hapon (1942-1945)
Sa ilalim ng pamumuno ni
Pangulong Ramon Magsaysay,
iprinoklama ang pagdiriwang ng
Linggo ng Wika tuwing Marso 29
hanggang Abril 4. Noong 1955, inilipat ito sa Agosto 13-19 bilang paggunita sa kaarawan ni Pangulong Quezon, ang “Ama ng Wikang Pambansa.”
Proklamasyon Blg. 12 at 186 (1954-
1955)
Sa ilalim ni Kalihim Jose Romero,
ipinahayag na ang “Pilipino” ang
magiging opisyal na katawagan sa
wikang pambansa upang higit na
maging inklusibo ang konsepto ng
pambansang wika na binubuo ng iba’t ibang katutubong wika.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7
(1959)
Inatasan ang Batasang Pambansa
na magsagawa ng mga hakbang para sa pagpapaunlad at pormal na pag-aampon ng isang “wikang
pambansang tatawaging Filipino.
“
Konstitusyong 1973
Ipinatupad ang Patakarang
Bilingguwalismo sa edukasyon, kung saan gagamitin ang parehong Ingles at Filipino bilang mga wikang panturo sa mga paaralan. Nagdulot ito ng mas
malawak na pagtuturo at paggamit ng Filipino sa sistema ng edukasyon.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 25
(1974)
Nagbigay ng pormal na pagkilala
sa Filipino bilang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas. Nakasaad din dito ang
tungkulin ng pamahalaan na itaguyod at payabungin ang paggamit ng Filipino bilang isang dinamikong wika na bukas sa pag-aambag ng iba’t ibang wika ng Pilipinas
Konstitusyong 1987
Ipinag-utos ni Pangulong Corazon
Aquino ang paggamit ng Filipino sa
lahat ng opisyal na komunikasyon,
transaksiyon, at korespondensiya sa pamahalaan. Ito ay nagpalakas ng paggamit ng Filipino sa pamahalaan at iba’t ibang sektor ng lipunan.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335
(1988)
Lumawak ang paggamit
ng Filipino sa midya, agham,
batas, edukasyon, at kultura. Mas
dumami rin ang mga pananaliksik
at babasahin tungkol sa wikang
Filipino.
Patuloy na Pagpapaunlad (2000-
2024)
Inilabas ng Komisyon
sa Wikang Filipino (KWF) ang
“Ortograpiyang Pambansa” na
nagsilbing pamantayan sa mas
maayos at sistematikong
pagsulat sa Filipino.
2006
Pormal na ipinatupad ang K-12 Basic Education Curriculum na
naglalayong isama ang Filipino bilang isa sa mga pangunahing asignatura sa lahat ng antas ng edukasyon. Ang kurikulum ay nagbigay-diin sa
paglinang ng kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral
gamit ang Filipino.
2013