Pormat ng isang Panukalang Proyekto Flashcards
Makikita sa pangalan ng proyekto ang malinaw na isinasagawang proyekto, kung saan isasagawa at kung sino/ alin ang mga tagatanggap
Dapat ito ay tiyak at maikli hangga’t maaari
Pangalan ng Proyekto
Ipinapakilala kung sinong indibidwal o aling organisasyon ang nagmumungkahi ng proyekto
Ibinabahagi rin dito ang tirahan, telepono at tungkulin ng utak ng proyekto
Proponent ng Proyekto
Ilarawan kung sa aling gawain kabilang ang panukalang proyekto. (Ito ba ay pangagrikultura, pang-edukasyon, pangkalusugan at iba pa)
Klasipikasyon ng Proyekto
Isa-isang itatala ang lahat ng mga kagastusan at ang kabuuang pondo na kinakailangan upang matagumpay na maisakatuparan ang proyekto
Kabuuang Pondong Kailangan
Ito ang batayan ng pagsasagawa ng proyekto
Ang bahaging ito ang susuporta kung bakit kailangan ang proyekto
Ito ang pagpapakilala sa problema
Rasyonale ng Proyekto
Ang proyekto ay ilalarawan nang malinaw at makatotohanan
Deskripsyon ng Proyekto
Isasaad din ang dito sa pagsasagawa ng gawain at ilalahad ang kalendaryo ng mga gawain
Layunin ng Proyekto
Ilalahad kung sino ang mga makikinabang at isasaad din ang mga kapakinabangang makukuha matapos ang proyekto
Mga Kapakinabangang Dulot
Ang bahaging ito ay magpapakita ng lahat at sunod-sunod na gawain tungo sa pagsasakatuparan ng mga layunin
Kalendaryo ng Gawain
Lahat ng taong kasangkot ay lalagda upang mapagtibay ang panukalang proyekto
Lagda