akademikk Flashcards
Ang pagsulat na wika ay may higit na mahahabang salita, mas mayaman sa leksikon, at bokabularyo
Komplex
Hindi angkop dito ang mga kolokyal at balbal na salita at ekspresyon kahit na ang pagsulat ay nagpapatungkol sa iyong sarili
Pormal
Ang mga datos tulad ng facts and figures ay inilalahad nang tumpak o walang labis at walang kulang
Tumpak
nagmula sa katotohanan, sa halip na personal
Obhetibo
Responsibilidad ng manunulat na gawing malinaw ang kaniyang isusulat at hindi ito dapat nagbibigay ng kalituhan sa mga mambabasa
Eksplisit
Maingat dapat ang manunulat sa paggamit ng mga salitang madalas pagkamalian ng mga karaniwang manunulat
Wasto
responsable lalo na sa paglalahad ng mga ebidensiya
Responsable
matugunan ang mga tanong kaugnay ng isang paksa
Malinaw na layunin
layunin din ng manunulat na maipakita ang kaniyang sariling pag-iisip (point of view)
Malinaw na Pananaw
Kailangang iwasan ang mga hindi kinakailangan, hindi mahalaga, at mga taliwas na impormasyon
May Pokus
May sinusunod na istandard na organisasyonal na hulwaran sapagkat ito ay may introduksiyon, katawan, at kongklusyon
Lohikal na Organisasyon
maaaring kapalooban ng facts, figures, halimbawa, deskripsyon, karanasan, opinyon ng mga eksperto at siniping pahayag o quotations
Matibay na Suporta
kailangang matulungan ang mambabasa tungo sa ganap na pag-unawa at magiging posible lamang ito kung magiging malinaw at kumpleto ang pagpapaliwanag
Malinaw at Kompletong Eksplinasyon
Sa karamihan ng akademikong papel, kailangang gumamit ng napapanahon, propesyonal, at akademikong hanguan ng mga impormasyon
Epektibong Pananaliksik
Sinisikap dito ang kalinawan at kaiklian kung kaya’t napakalahaga na maiwasan ang mga pagkakamali sa gramar, baybay, pagbabantas, at bokabularyo sa pagsulat nito
Iskolarling Estilo sa Pagsusulat