Pdf Flashcards
tawag sa paksa o aksyong gagawin na makikita sa katitikan ng pulong.
Agenda
pormal na sulatin o akdang isinasagawa sa isang akademikong institusyon o unibersidad sa isang partikular na larangang akademik.
Akademikong Sulatin
maayos na pagkakasunod-sunod o organisasyon ng mga ideya sa isang sulatin
Lohikal
isang sulating nagsasaad ng sariling damdamin, kuru-kuro o kaisipan ng isang manunulat kaugnay ng kanyang nakita o naobserhan tungkol sa isang isyu o paksa
Sanaysay
gitnang bahagi o pikakanilalaman ng ianumang sulatin kung saan tinatalakay ang paksa
Katawan
Panimulang bahagi ng anumang sulatin kung saan ipinakiilala sa mambabasa ang paksang tatalakayin at isinusulat sa paraang kawili-wili at makatawag-pansin.
INTRODUKSYON
panghuling bahagi ng anumang sulatin na nagbibigay ng paglalahat sa mga ideyang tinalakay sa katawan at tinitiyak na mag-iiwan ng impresyon o marka sa mga mamababasa
Konklusyon
Ito ay buod ng papel-pananaliksik na naglalaman ng kaligiran, layunin, metodolohiya, resulta at konklusyon ng pag-aaral.
abstrak
Ito ay maikling tala ng personal na impormasyon ukol sa isang awtor.
bionote
Uri ito ng sulatin kung saan ginagamit ng may- akda ang mga larawan na nagbibigay-kulay o kahulugan kaalinsabay ng mga teksto sa paglalahad o pagbibigay diskusyon sa isang isyo o usapin.
pictorial essay
Ito ay sulating nagsasalaysay ng mga personal na karanasan at sinusuri ang naging epekto ng mga karanasang iyon sa manunulat.
replektibong sanaysay
Isa itong mahalagang rekord hinggil sa mga napag- usapan at napagtibay ng isang partikular na oganisasyon.
katitikan ng pulong
maituturing na mga halimbawa ng akademikong sulatin
talumpati, posisyong papel, katitikan ng pulong, bionote, lakbay-sanaysay, replektibong sanaysay, pictorial essay, panukalang proyekto, at abstrak.
dalawang pangkat ng mga sulatin
- nangangatwiran at naglalahad
- nagsasalaysay at naglalarawan
Sulating Nangangatwiran At Naglalahad:
posisyong papel
talumpati
katitikan ng pulong,
panukalang proyekto
abstrak
bionote