pagbuo, pag unawa Flashcards
Ito ay siksik at pinaikling bersiyon ng teksto. Ang teksto ay maaaring nakasulat, pinanood, o pinakinggan. Pinipili rito ang pinakamahalagang ideya at sumusuportang ideya o datos.
BUOD
Tinatawag itong paraphrase sa Ingles. Galing ito sa salitang Griyego na paraphrasis, na ang ibig sabihin ay “dagdag o ibang paraan ng pagpapahayag.”
HAWIG
Katulad ito ng buod kung saan ipinahahayag sa sariling pangungusap ang mga pangunahing ideya ngunit nagkakaiba ito sa pinipiling ipahayag.
HAWIG
inilalahad sa isang bagong anyo o estilo Isa itong paraan upang hina laging sumisipi. Alternatibo ito sa madalas na pagsipi. Isa rin itong paraan para linawin ang teksto.
HAWIG
Isa itong pagpapaikli ng mga pangunahing punto, kadalasan ng piksyon. Karaniwang di- lalampas ito sa dalawang pahina.
LAGOM O SINOPSIS
Ito rin ang ginagamit sa panloob 0 panlabas ng pabalat ng isang nobela na tinatawag na jacket blurb.
LAGOM O SINOPSIS
Galing sa salitang _ (_) sa lumang Pranses na ibig sabihin ay pinaikli.
presi (precis)
Ito ay buod ng buod, higit itong maikli kaysa sa buod.
presi
Isa itong maikling buod ng pananaliksik, artikulo, disertasyon, rebyu, proceedings, at papel pananaliksik na naisumite sa komperensiya at iba pang gawain na may kaugnay sa disiplina upang mabilis na matukoy ang layunin ng teksto.
ABSTRAK