Patakarang Pananalapi Flashcards
Mahasa ang mga mag-aaral sa mga konsepto o termino na may kaugnayan sa patakarang pananalapi
Isang uri ng palitan ng produkto o serbisyo na hindi ginagamit ang pera o salapi. Karaniwang ang bagay na kinakalakal o pinagpapalitan ay kasinghalaga ng halaga sa salapi.
Barter
Pang-ekonomikong yunit na ginagamit bilang medium sa iba’t ibang transaksiyon.
Salapi
(money)
Ang opisyal na pananalapi ng Pilipinas
Peso/Piso
Dihital na assest na nagagamit bilang daluyan ng pagpapalitan.
Cryptocurrency
Institusyon na nagsisilbing tagapamagitan sa mga taong nag-iimpok at nangangailangan ng puhunan
Bangko
(bank)
Mga kompanya o negosyo na may kinalaman sa pampinansiyal at pananalaping gawain sa ekonomiya gaya ng pagdedeposito o pagtatabi ng salapi, pagpapautang, pag-iimpok, at iba pa.
Pampinansiyal na Institusyon
(financial institution)
Pagtatabi o pagiipon ng pera para gamitin sa hinaharap.
Pag-iimpok
(saving)
Mga institusyon o korporasyon na pagmamay-ari at pinatatakbo ng pamahalaan.
Pampublikong Institusiyon
(public institution)
Mga institusyon na pagmamay-ari ng mga indibidwal o negosyante.
Pribadong Institusiyon
(private institution)
Isang uri ng pampinansiyal na institusiyon na nasa negosyo na nagpapadeposito mula sa publiko at nagpapapautang sa mga mamamayan at negosyo.
Bangkong Pampinansiyal na Institusiyon
(banking financial institution)
Isang institusyong pampinansyal na walang ganap na lisensya sa pagbabangko at hindi maaaring tumanggap ng mga deposito mula sa publiko.
Di-bangkong Pampinansiyal na Institusiyon
(non-banking financial institution)
Tumutukoy sa isang tao o institusiyon na naglalaan ng kapital na may inaasahang pinansyal na balik sa hinaharap.
Mamumuhunan
(investor)
Pagkakaroon ng salapi na nakuha mula sa mga ilegal na aktibidad.
Money Laundering
Nagbibigay ng serbisyo sa miyembro nito ng pagtatabi at pagpapautang ng pera upang tulungan sila sa kanilang mga pinansiyal na pangangailangan.
Kooperatiba
(cooperative)
Isang indibidwal o kompanya na nagsisilbing tagapamagitan sa sa isang mamumuhunan at isang palitan ng seguridad.
Broker
(exchanges)