Implasyon Flashcards
Tumutukoy sa mga indikasyon, pamantayan, o batayan na ginagamit sa pagsusuri ng kalagayan ng ekonomiya.
batayan
(basis)
Nangangahulugang naglalaan ng mga mapagkukunan, kadalasang pinansiyal na kapital.
nagtatalaga
(allocating)
Sa konteksto ng ekonomiya, ito ay maaaring tumukoy sa pag-aaral o pagsusuri ng mga datos, o kondisyon ng ekonomiya upang magkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa mga isyu, trend, o potensyal na solusyon.
suriin
(check/examine)
Isang pamilya o grupo ng mga tao na naninirahan sa iisang tahanan. Ito ang pangunahing yunit ng lipunan kung saan nagkakaroon ng mga interaksyon, pagpapasya, at pagbabahagi ng mga responsibilidad at yaman.
sambahayan
(household)
Sa ekonomiya, ang itinakdang taon ay mahalaga sa pagkuha ng mga indeks tulad ng inflation rate o GDP deflator, ginagamit ito upang matukoy ang mga pagbabago sa presyo o halaga ng mga produkto at serbisyo, pati na rin sa pag-evaluate ng pag-unlad o pagbabago sa ekonomiya sa panahon.
itinakdang taon
(base year)
Tumutukoy sa isang sistema o proseso ng mga simbolo, numero, at operasyon na ginagamit upang maipakita ang ugnayan o relasyon sa pagitan ng mga variable o konsepto.
pormula
(formula)
Tumutukoy sa mga impormasyon o pangkat ng mga kaalaman na may kaugnayan sa isang partikular na paksa o larangan.
datos
(data)
Tumukoy sa pagkuha ng eksaktong resulta o paglutas ng isang problema. Ito ay paggamit ng tamang pamamaraan o pormula sa pagkuha ng tamang sagot.
matuos
(compute)
Tumutukoy sa isang indibidwal, o korporasyon na naglalagak ng kanilang mga pondo sa mga pag-aari o proyekto na may layunin na kumita ng tubo o kita sa hinaharap.
mamumuhunan
(investor)
Paglalaan o paggamit ng pera o iba pang mapagkukunan sa mga bagay tulad ng produkto o serbisyo.
paggasta
(expenditure)