PaP Week 1-2 Flashcards
TEKSTONG impormatibo ay tinatawag ring ____
TEKSTONG EKSPOSITORI
uri ng babasahin na nakabatay sa katotohanan
impormatibo
babasahing ‘di-piksyon na naglalayong magbigay ng
impormasyon at magpaliwanag sa iba’t ibang paksa
tulad ng mga hayop, siyensiya, teknolohiya,
paglalakbay, heograpiya at iba pa.
impormatibo
sumasagot mga tanong na :
○ ano, sino, saan, kailan at paano
○ tungkol sa paksa o tungkol sa mga
impormasyong may kinalaman sa isang tao,
bagay, lugar o pangyayari.
impormatibo
may respetado at mapagkakatiwalaang sanggunian.
impormatibo
Uri ng tekstong impormatibo
Pagbibigay Katuturan o Depinisyon
Enumerasyon o Pag-iisa-isa
Paghahambing at Pagkokontrast
Sikwensyal — Kronolohikal
Problema at Solusyon
Sanhi at Bunga
ito rin ay paglilinaw sa kahulugan ng isang salita upang
tiyak na maunawaan.
Pagbibigay Katuturan o Depinisyon
paraang eksposisyon na tumatalakay o nagbibigay -
kahulugan sa isang salita.
Pagbibigay Katuturan o Depinisyon
tumutukoy sa talaan o listahan ng mga ideya,
katotohanan o detalye tungkol sa pangunahing ideya.
Enumerasyon o Pag-iisa-isa
hindi dapat bababa sa tatlong (3) ideya ang mga inilista
Enumerasyon o Pag-iisa-isa
nagbibigay-diin sa pagkakatulad at pagkakaiba ng mga
kaalaman, konsepto, pangyayari, tao at iba pa.
PAGHAHAMBING at PAGKOKONTRAST
— ipinapaliwanag ang pagkakatulad
PAGHAHAMBING
ipinapaliwanag ang pagkakaiba
PAGKOKONTRAST
ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
Sikwensyal — Kronolohikal
mga panandang ginagamit sa hulwarang
pagsusunod-sunod: una, sa simula, noon, samantala,
saka, maya-maya, hanggang, huli, nang magkagano’n,
pagkatapos.
Sikwensyal — Kronolohikal
ang pagtalakay sa ilang problema o suliranin at
paglalapat ng solusyon o kalutasan.
Problema at Solusyon
paraan para sa pag-aaral at pagsulat tungkol sa isang
paksa sa pamamagitan ng pagtukoy ng isang problema
at pagpapanukala ng isa o higit pang mga solusyon.
Problema at Solusyon
layuning ipakita na kaya naganap ang isang pangyayari
ay may dahilang nauna pa kaysa rito.
Sanhi at Bunga
mga panandang ginagamit sa hulwarang sanhi at
bunga: dahil sa, sapagkat, nang, kasi, buhat, mangyari,
palibhasa, kaya, resulta, sanhi, epekto, bunga nito,
tuloy, atbp.
Sanhi at Bunga
Elemento ng Isang Tekstong Impormatibo
-Layunin ng May - Akda
-Pangunahing Ideya at Pantulong na Kaisipan
-Pantulong na Kaisipan
-Estilo sa pagsulat, kagamitan o sangguniang
magtatampok sa mga bagay o impormasyon
ang layunin ay mapapansing kaugnay ito lagi ng
pagbibigay o paglalahad ng impormasyon.
Layunin ng May - Akda
Pangunahing Ideya at Pantulong na Kaisipannagagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng
pamagat sa bawat bahagi
Pangunahing Ideya at Pantulong na Kaisipan
tinatawag din itong educational markers na
nakatutulong upang agad makita at malaman ng
mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin.
Pangunahing Ideya at Pantulong na Kaisipan
mahalaga ang paglalagay ng mga angkop na pantulong
kaisipan o mga detalye upang makatulong na makabuo
sa isipan ng mga mambabasa ang pangunahing ideyang
nais niyang matanim o maiwan sa kanila.
Pantulong na Kaisipan
makatutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng
malawak na pag-unawa sa binasang teksto. pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa teksto, pagsulat ng mga talasanggunian.
Estilo sa pagsulat, kagamitan o sangguniang
magtatampok sa mga bagay o impormasyon
Mga Konseptong Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Tekstong Impormatibo
Mga Konseptong Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Tekstong Impormatibo, Isang tiyak na paksa, magkaroon ng pokus, ihanay
nang maayos ang mga salita, teksto mula sa mga respetado at mapapanaligang sanggunian
ay ang pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga
pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa
isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang may
maayos na pagkakasunod-sunod mula simula
hanggang katapusan.
Tekstong Naratibo
naglalayong magsalaysay ng dugtong dugtong at
magkakaugnay na pangyayari na maaaring maglahad
ng mga pangyayari sa kapaligiran o mga personal na
karanasan ng manunulat o ng isang natatanging tao.
Tekstong Naratibo
nabibigyang pagkakataon ang mga mambabasa na
makabuo ng imahe sa kanyang isip.
Tekstong Naratibo
ELEMENTO NG TEKSTONG NARATIBO
- Banghay → 2. Tagpuan at Panahon → 3. Tauhan
- Suliranin o Tunggalian → 5. Diyalogo
istruktura o porma ng paraan ng pagkakasunod-sunod
ng pangyayari sa paraan ng pagsasalaysay.
BANGHAY
Pagpapasunod ng Banghay
nagsisimula sa eksposisyon, patungong
komplikasyon, kasukdulan, pababa sa
kakalasan, at tungong wakas.
Karaniwang Banghay
Orientation or Introduction
Problem
Rising Action
Climax
Falling Action
Ending
pagkakaroon ng isang
epektibong simula kung saan makikilala ang mga
tauhan, tagpuan at tema. (eksposisyon)
Orientation or Introduction
pagpapakilala sa suliraning ihahanap ng
kalutasan ng mga tauhan particular ang pangunahing
tauhan. (suliranin)
Problem
pagkakaroon ng saglit na kasiglahang
hahantong sa pagpapakita ng asksiyong gagawin ng
tauhan tungo sa paglutas sa suliranin. (komplikasyon)
Rising Action
patuloy sa pagtaas ang pangyayaring
humahantong sa isang kasukdulan. (kasukdulan)
Climax
patuloy sa pagtaas ang pangyayaring
humahantong sa isang kasukdulan.
Climax
pagkakaroon ng isang makabuluhang wakas.
Ending
pagsasalaysay na hindi nakaayos sa tamang
pagkakasunod-sunod.
Anachrony
ipinapasok ang mga pangayayaring naganap sa nakalipas.
Analepsis (Flashback)
ipinapasok ang mga
pangyayaring magaganap pa lang sa hinaharap.
Prolepsis (Flash-forward)
mga puwang o patlang sa
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na
nagpapakitang may bahagi ng pagsasalaysay na
tinanggal o hindi isinama.(Timeskip)
Ellipsis
nagaganap ang isang pangyayari sa isang tiyak na oras,
araw o panahon.
tumutukoy rin maging sa damdaming umiiral sa
kapaligiran nang maganap ang mga pangyayari.
TAGPUAN AT PANAHON
ang gumaganap at nagpapaikot ng mga pangyayari sa
isang salaysay.
maaaring manggaling sa kanila ang dahilan ng
pabago-bago ng mga pangyayari.
TAUHAN
Pagpapakilala ng Tauhan
Expository – kung tagapagsalaysay ang magpapakilala
o maglalarawan sa pagkatao ng tauhan.
■ Dramatiko – kung kusang mabubunyag ang karakter
dahil sa kanyang pagkilos o pagpapahayag.
Mga Uri ng Tauhan
Pangunahing Tauhan
Katunggaling Tauhan
Kasamang Tauhan
Ang May-akda
ang bida (protagonist), sa
kanya umiikot ang mga pangyayari sa kwento.
Pangunahing Tauhan
kontrabida (antagonist), siya
ang sumasalungat o kalaban ng pangunahing tauhan.
Katunggaling Tauhan
karaniwang kasama o kasangga
ng pangunahing tauhan (sidekick, bestfriend, atbp.)
Kasamang Tauhan
sinasabing ang pangunahing tauhan at
ang may-akda ay laging magkasama sa kabuoan ng
akda. [may mga pagkakataon na kasama ang may-akda
sa kwento at kinakausap ang mga tauhan]
Ang May-akda
Mga Uri ng Tauhan Ayon kay E.M. Forster
Tauhang bilog at lapad
uri ng tauhan na nagbabago ang
katauhan o ang pag-uugali sa loob ng kwento.
[HALIMBAWA : Siya ay mabait sa simula, ngunit naging
masama sa huli.]
Tauhang Bilog
uri ng tauhan na hindi nagbabago ang
katauhan o pag-uugali sa loob ng kwento.
[HALIMBAWA : Siya ay mabait mula sa simula ng
kwento hanggang sa wakas.]
Tauhang Lapad
pinakamadramang tagpo ng kwento at inaasahang may
maidudulot na mahalagang pagbabago patungo sa
pagtatapos.
SULIRANIN O TUNGGALIAN
ginagamit ito upang maging makatotohanan ang mga
pangyayari sa pamamagitan ng mga tauhan.
DIYALOGO
pahayag na mismong ang nagsasalita ang nagsambit ng pahayag
一 ito ay ginagamitan ng panipi (“ “).
Direkta o Tuwirang Pagpapahayag
ang tagapagsalaysay ang naglalahad ng sinasabi, iniisip, o
nararamdaman ng tauhan .
‘Di Direkta o ‘Di Tuwirang Pagpapahayag
“Sawa na talaga ako sa’yo, ems lang.”
Direktang Pahayag
Winika ni Girl na sawa na raw siya kay Ano; ngunit sa sa
huli, sinabi niya na eme lang daw ‘yon.
‘Di Direktang Pahayag
PANANAW O PUNTO DE VISTA SA TEKSTONG
NARATIBO
i. Unang Panauhan
ii. Ikalawang Panauhan
iii. Ikatlong Panauhan
isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay; gumagamit ng ‘ako’
i. Unang Panauhan
mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhan; gumagamit ng ‘ikaw o ka’
Ikalawang Panauhan
ang mga pangyayari ay isinalaysay ng isang taong
walang relasyon sa tauhan;
gumagamit ng ‘siya’
Ikatlong Panauhan