PANITIKAN Flashcards
Ito ay kahit anong nasusulat na gawa ng tao.
PANITIKAN
Ito ay ginagamit ng mga tao upang magpahayag
ng kanilang mga nararamdaman, mga naiisip,
mga karanasan at mga hangarin sa pamamagitan
ng pagsulat.
PANITIKAN
ANO ANG DALAWANG URI NG PANITIKAN?
- AKDANG PROSA O TULUYAN
2.PATULA
Ito ay isang uri ng Panitikan na ang daloy ng pagkakasulat ng mga ideya ay mas natural at tuloy-tuloy.
PROSA O TULUYAN
Ito ay isang uri ng Panitikan na naglalaman ng mga pangungusap at mga talata.
PROSA O TULUYAN
Ito ay isang uri ng Panitikan na mayroong kalayaan ang mga manunulat sa kung ano ang nais nilang isulat.
PROSA O TULUYAN
ano ang makiling kwento?
Isang maikling akda na naglalaman ng
kakaunting tauhan kumpara sa nobela.
Ito ay may iisa lamang na banghay. Ang
paraan ng pagbasa nito ay kayang
tapusin sa isang upuan lamang.
Isang maikling akda na naglalaman ng
kakaunting tauhan kumpara sa nobela.
Ito ay may iisa lamang na banghay. Ang
paraan ng pagbasa nito ay kayang
tapusin sa isang upuan lamang.
MAIKLING KWENTO
Isang mahabang salaysay na nahahati sa
mga kabanata. Ang pagbabasa nito ay
inaabot ng ilang basahan para matapos ang
buong istorya. Ito ay naglalaman ng
maraming tauhan at maaaring maganap ang
mga pangyayari sa iba’t ibang tagpuan.
NOBELA
Ito ay akdang itinatanghal sa tanghalan o
maraming manonood. Ito ay nahahati sa
maraming yugto at ang bawat yugto naman
ay nahahati sa ilang tagpuan.
DULA
Ano ang tawag sa mga dalubhasang sumusulat ng dula?
mandudula at dramaturgo
Ito ay kwento tungkol sa
pinagmulan ng isang bagay.
ALAMAT
Ito ay isang uri ng panitikan na kung saan hayop ang
gumaganap bilang mga tauhan.
PABULA
ANO ANG BALITA
Ito ay tala ng mga kaganapan na nagaganap sa
lipunan at kapaligiran.
Ito ay isang maikling sulatin na nagpapahayag ng opinyon ng manunulat tungkol sa isang paksa.
SANAYSAY