KARUNUNGAN NG BAYAN Flashcards
ANO ANG KARUNUNGAN BAYAN
ay isang sangay ng panitikan kung saan nagiging daan upang maipahayag ang mga kaisipan
na napabibilang sa kultura ng isang tribo.
ANO ANG BUGTONG
Pahulaan o palaisipang may sukat at tugma. Ito ay nagtataglay ng sukat, tugma, talinghaga at kariktan.
ANO ANG SALAWIKAIN
Isang patalinghagang pahayag na ginagamit ng
mga matatanda noong unang panahon upang
mangaral at akayin ang mga kabataan sa mabuting
asal.
SINO ANG UNANG NAGTIPON NG SALAWIKAING TAGALOG
PADRE GREGORIO MARTIN
Sino ang gumawa ng masusing pag-aaral tungkol sa mga salawikain sa Pilipinas.
DAMIANA EUGENIO
ANU ANO ANG MGA KATANGIAN NG SALAWIKAIN?
- MAIKLING PANGUNGUSAP
- PAYAK
- KARANIWANG PANANALITA
- Kinasasalaminan ng mga puna sa buhay
- May tugma ang karamihan
- Pag-uulit ng mga salita
ANU ANG SAWIKAIN
Ito ay mga patalinghagang pananalita. Ito ay isang
paraan ng pagpukaw at paghasa sa kaisipan ng
tao. Nakalilibang bukod sa nakadaragdag ng
kaalaman.
HULOG NG LANGIT (ANO ANG IBIG SABIHIN)
SUWERTE
Maluwang ang tornilyo (ANO ANG IBIG SABIHIN)
LOKO-LOKO
ANAK PAWIS (ANO ANG IBIG SABIHIN)
DUKHA
MAKATI ANG DILA (ANO ANG IBIG SABIHIN)
MADALDAL