Panitikan Flashcards
Ito ay isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin sa malayang pagsusulat.
Tula
Binubuo ang tula ng _______ at _______
saknong at taludtod
Ang tula ay maaring distinggihin sa tatlo na bahagi. (Tama o Mali?)
Tama
Ano ang mga Anyo ng Tula?
—Tradisyon
—Malayang Taludturan
—Bersyo Blangko
Ito ay isang anyo ng tula na may sukat at tugma at mga salitang may malalim na kahulugan.
Tradisyon
Isang tula nang walang sinusunod na patakaran kung hindi anumang naisin ng sumulat.
Malayang Taludturan
Ito ay tula na may sukat ngunit walang tugma
Berso Blangko
Ano ang mga Elemento ng tula?
—Sukat
—Saknong
—Persona
—Tugma
—Kariktan
—Talinghaga
Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtud na bumubuo sa isang saknong.
Sukat
Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtud na bumubuo sa isang saknong.
Sukat
Isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya (taludtud)
Saknong
Tumutukoy sa nagsasalita sa tula. Una, ikalawa at ikatlong panauhan.
Persona
Ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtud ay magkasintunog.
Tugma
Ito ay ang maririkit na salita na pumupukaw sa damdamin at kawilihan.
kariktan
Ito ay mga salita na di tiyakang tumutukoy sa bagay na binabanggit, mga salita na nakatago ang kahulugan.
talinghaga
ano ang mga uri ng tula?
~tulang liriko o tulang pandamdamin
~tulang pasalaysay
~tulang patanghalan
~tulang patnigan
Nagtataglay ng mga karanasan, kaisipan, guniguni, pangarap at iba’t ibang damdaming maaaring madama ng may akda o ng ibang tao.
tulang liriko o tulang pandamdamin
Ito ay maikli at payak.
tulang liriko o tulang pandamdamin
Naglalahad ng makukulay at mahahalagang tagpo sa buhay tulad ng pag ibig, pagkabigo at tagumpay.
tulang pasalaysay
Naglalahad din ito ng katapangan at kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma.
tulang pasalaysay
Ito ay tulang nagbibigay aliw sa mga taong namatayan, at nagbibigay pagpapahalaga sa taong pumanaw.
tulang patnigan
Binibigkas ng mga tauhan ang kanilang diyalogo sa paraang patula.
tulang pantanghalan
Maaring isama sa uring ito ang mga tulang binibigkas sa sarswela at komedya.
tulang pantanghalan
may labindalawang pantig at mabagal ang paraan ng pagbigkas o ang himig ay tinawag na andante
awit
Ang mga tauhan sa awit ay walang kapangyarihan subalit humaharap rin sila sa matinding pakikipagsapalaran. (tama o mali?)
tama
Karaniwang ito ay sumasalamin sa pangyayari sa tunay na buhay.
awit
Ang sikat na halimbawa ng isang awit ay ang?
florante at laura
may walong pantig at mabilis ang paraan ng pagbigkas o ang himig ay tinatawag na allegro.
korido