Panitikan Flashcards
talaan ang buhay ang panitikan sapagkat dito naisisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang kulay ng kanyang buhay.
arrogante (1983)
ang panitikan ay siyang lakas na nagpapakilos sa alimang uri ng lipunan.
salazar (1995)
ang panitikan ay katipunan ng mga akdang nasusulat na makilala sa pamamagitan ng maikling pagpapahayag.
webster (1947)
dalawang uri ng panitikan (batay sa pagsasalin)
- pasalin dila
- pasulat
dalawang uri ng panitikan (batay sa anyo)
- tuluyan o prosa
- patula
ito ay nasasalin sa pamamagitan ng bibig ng tao
pasalin dila
paraan ng pagsasalin ng panitikan.
pasulat
ang panitikan kung nasusulat sa karaniwang takbo ang pangungusap at sa patalatang paraan.
tuluyan o prosa
panitikan kung nasusulat sa taludturan at may saknungan.
patula
mahabang salaysayin ng mga kawing kawing na pangyayari
nobela
salaysay ng isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan
maikling kwento
tinatanghal sa entablado
dula
nauukol sa pinagmulan ng bagay-bagay.
alamat
kinasasangkutan ng mga hayop, halaman at maging mga bagay na walang buhay.
pabula
kwentong hango sa banal na kasulatan.
parabula
maiikling salaysaying may layuning umaliw o magbigay aral.
anekdota
pagpapahayag o kuro kuro o opinyon ng isang akda hinggil sa isang suliranin o paksa
sanaysay
kwento ng buhay ng tao.
talambuhay
paglalahad ng mga pang araw araw na pangyayari sa lipunan
balita
binibigkas sa harap ng mga taga pakinig.
talumpati
mga akdang tuluyan
- nobela
- alamat
- anekdota
- sanaysay
- balita
- dula
- talumpati
- maikling kwento
- pabula
- parabula
- talambuhay
mga akdang patula
- tulang pasalaysay
- tulang pandamdamin o liriko
- tulang padula o dramatiko
- tulang patnigan
kwento ng mga pangyayari at nasusulat nang patula, may sukat at tugma
tulang pasalaysay
tumatalakay sa marubdon na damdamin ng may akda o di kaya’y ng ibang tao
tulang pandamdamin o liriko
isinasadula sa entablado o iba pang tanghalan
tulang padula o dramatiko
laro o paligsahang patula na noo’y karaniwang isinasagawa sa bakuran ng namatayan
tulang patnigan
tulang pasalaysay hinggil sa kabayanihan, katapangan at pakikipagsapalaran ng isang pangunahing tauhan
epiko
romansa o pag iibigan, pakikipagsapalaran, kabayanihan ay kataksilan.
awit at korido
binibigkas ng may himig
awiting bayan
may (14) labing apat na taludtod.
soneto
nagpapahayag ng panimdim sa pagyao ng isang minamahal
elehiya
inaawit bilang papuri sa diyos o mahal na birhen
dalit
naglalarawan ng paraan ng pamumuhay sa kabukiran
pastoral
tulang paghanga o pagpuri sa isang bagay
oda