Mga Teoryang Pampanitikan Flashcards
ito ay nagsasabi na ang tao ay rasyunal na nilalang na may kakahayang maging makatotohanan at mabuti
Humanismo
ibinabandila nito ang indibidwalismo kaysa kolektibismo
Romantisismo
humihilig sa makasaysayan at pagpapanatili o pagbabalik sa mga katutubo at tradisyunal na pagpapahalaga tulad ng nasyunalismo, pagkamaginoo at pagka kristiyano
Tradisyunal
bumabaling sa pagtatatag ng bagong kultura na may pagpupumiglas, kapusukan at pagmakasarili
Rebolusyunaryo
ito ay pag aaral na nakatuon kapwa sa mga kababaihan bilang mambabasa at bilang manunulat
Feminismo
layon sa ipakita ang karanasan ng tao at lipunan sa isang makatotohanang paraan.
Realismo
inilalahad nito ang kadalisayan ng bagay bagay at iwinawaksi nito ang pagmamalabis at kahindik hindik.
pinong realismo
mas optimistiko at inilalagay ang pag asa sa damdamin kaysa isipan sa paglutas ng pang araw araw na suliranin.
sentimental na realismo
internal na buhay o motibo ng isang tao
sikolohikal na realismo
inilalarawan ang mga gawain ng isang lipunang burgis upang maipamalas ang nga aspetong may kapangitan at panlulupig nito
kritikal na realismo
pinagsasama ang impluwensya ng mito at karunungang-bayan sa takbo ng kuwento upang masalamin ang nga katotohanang nagaganap sa lipunan.
mahiwagang realismo
tunggalian sa pagitan ng dalawang magkasalungat na pwersa.
marxism o marxismo
hindi lamang kasiningan ang angking katangian ng akda ang binubisisi, kundi pati rin ang bahagi ng lipunan at kasaysayang pinagluwalan nito.
pananaw na sosyolohikal
itinuturing ang isang akdang pampanitikan bilang bukal ng mga kaisipang batayan sa wastong pamumuhay at pakikipag kapwa
moralistiko
ito ay pagpapakita ng atityud na nagbibigay diin sa dignidad at halaga ng indibidwal.
humanismo