Paninindigan sa Tamang Paggamit ng Kapangyarihan at Pangangalaga sa Kalikasan Flashcards
Ito ay tumutukoy sa lahat ng nakapaligid sa atin na maaaring may buhay o wala. Ito ay
kinabibilangan ng mga puno’t halaman, at lahat ng iba’t ibang uri ng hayop mula sa maliit hanggang sa malaki.
Kalikasan
Walong halimbawa ng gawain na taliwas o labag sa pangangalaga sa kalikasan.
- Maling pagtatapon ng basura
- Iligal na pagputol ng puno
- Polusyon sa hangin, tubig at lupa
- Pagkaubos ng mga natatanging species ng hayop at halaman sa kagubatan
- Malabis at mapanirang pangingisda
- Ang pagko-convert ng mga lupang sakahan, iligal na pagmimina, at quarrying
- Global warming and climate change
- Komersiyalismo at urbanisasyon
Ang patuloy na pagtaas ng temperature bunga ng pagdami ng tinatawag na green house gases lalo na ng carbon dioxide sa ating atmospera
Global Warming
Ito ay tumutukoy sa pag-uugali ng tao at mga kilos na nagpapakita nang labis na pagpapahalaga na kumita ng pera o kaya ay pagmamahal sa mga mateyal na bagay sa halip na ibang mga pagpapahalaga.
Komersiyalismo
Ito ay ang patuloy sa pag-unlad ng mga bayan na maisasalarawan ng pagpapatayo ng mga gusali tulad ng mall at condominium
Urbanisasyon