Paggalang sa Buhay Flashcards
Ito ay pag-alis ng isang fetus o sanggol sa sinapupunan ng ina.
Abortion o Pagpapalaglag
Siya ang nagsabi na “Sa ilang mga bansa, ang aborsiyon ay itinuturing na isang lehitimong paraan upang kontrolin o pigilan ang paglaki ng pamilya o populasyon, ngunit sa Pilipinas itinuturing itong krimen.”
Agapay
Ito ay uri ng abortion kung saan natural ito na nangyari, ‘di sinadya, at ‘di pinlano
Kusa o Miscarriage
Ito ay uri ng abortion kung saan kusang tinatanggal sa sinapupunan ng ina ang bata sa pamamagitan ng pagpapaopera, pagpapainom ng gamot, at iba pa
Sapilitan o Induced
Ito ay ang paniniwalang ang sanggol ay dapat isilang at mabuhay kahit anong mangyari. Itinuturing na ang sanggol ay isang tao na mula sa sandali ng paglilihi; ito ay nangangahulugang ang pagpapalaglag sa kaniya ay pagpatay.
Pro-life
Ito ay pagbibigay ng karapatan sa isang babae na magdesisyon sa kanyang pagbubuntis ng hindi nililimitahan ng gobyerno at simbahan. Ang aborsyon, ayon dito, ay sinasabing karapatan ng babae.
Pro-choice
Ito ay ang sadyang pagkitil ng isang tao sa sariling buhay at naaayon sa sariling kagustuhan.
Pagpapatiwakal o Suicide
Kanino nagmula ang prinsipyo ng double-effect?
Santo Tomas de Aquino
Prinsipyo ng Double-Effect
- Ang layunin ng kilos ay nararapat na mabuti
- Ang masamang epekto ay hindi dapat direktang nilayon ngunit bunga lamang ng naunang kilos na may mabuting layunin
- Ang mabuting layunin ay hindi dapat makuha sa pamamagitan ng masamang karanasan
- Mabigat at makatuwirang dahilan upang maging katanggap-tanggap ang masamang epekto
Ito ay ang pamamaraan ng pagkitil sa buhay ng isang taong may malubhang karamdaman na hindi na maaari pang gumaling o iyong “brain dead” o “comatose” na.
Euthanasia o Mercy Killing
Ito ay nangyayari kapag intensiyonal na gumawa ng paraan ang medico upang mamatay ang pasyente upang hindi siya maghirap.
Active Euthanasia
Ito ay kapag tumigil na ang medico sa paggawa ng paraan para mapanatiling buhay ang pasyente. Kabilang dito ang pagtanggal ng makinang sumusuporta sa buhay ng pasyente at pagtigil sa pagbibigay ng gamot na maaaring makapagpahaba pa ng buhay niya.
Passive Euthanasia
Ayon kay Agapay, ito ay isang estadong sikiko (psychic) o pisikal na pagdepende sa isang mapanganib na gamot na nangyayari matapos gumamit nito nang paulit-ulit at sa tuloy-tuloy na pagkakataon.
Paggamit ng ipinagbabawal na gamot