Pangangalap ng Paunang Impormasyon at Pagbuo ng Pahayag ng thesis Flashcards
PANGANGALAP NG PAUNANG IMPORMASYON
Ang pagbuo ng pahayag ng tesis na tinatawag sa Ingles na thesis statement hango sa piniling paksa.
Upang makabuo ng isang mahusay at matibay na pahayag ng tesis, karaniwang nangangailangan muna ng paunang impormasyon o kaalaman patungkol sa paksa.
Ang mga paunang impormasyong tinatawag sa Ingles na background information ay magbibigay ng ideya sa mananaliksik kung bakit kailangang pag-aralan ang napiling paksa at gagabay sa pagpili ng papanigang pananaw sa bubuoing pahayag ng tesis.
MAPAGKAKATIWALAANG MAPAGKUKUNAN NG IMPORMASYON
Search engine tulad ng Google ka mag hanap ng mga salita kaugnay ng iyong paksa, tiyak na libo-libong impormasyon ang lalabas kaugnay nito subalit maging maingat ka sa pagpili sapagkat hindi lahat ng mga impormasyong mababasa mo ay tumpak, beripikado, mabisa, at kompleto.
*Mga website na mapagkakatiwalaang domain name system:
Ø.edu (educational institution). .gov (government),
Ø .org (nonprofit organization)
MGA URI NG DATOS
Bawat uri ng pananaliksik ay nangangailangan ng naaangkop na datos upang makamit ang layunin ng mga ito. At upang makuha ang kinakailangang datos, ang mananaliksik ay nangangailangang gumamit ng tamang metodo.
Datos ng Kalidad (qualitative data)
- nagsasalaysay, naglalarawan, o pareho
- kulay, tekstura, lasa, damdamin, mga pangyayari, sasagot sa paano at bakit
- minsan sumasagot sa ano, sino, kailan, saan
HALIMBAWA :
*Ano ang ginagawa mo noong kasagsagan ng Bagyong Ulysses?
*Sino si Jose Rizal para sa iyo?
*Ano ang iyong saloobin sa pag responde ng gobyerno sa pandemya?
Datos ng Kailanan (quantitative data)
- datos na numerikal na ginamitan ng mga operasyong matematikal
- dami o bilang ng mga bagay o sagot ng mga sinarbey o ininterbyung mga respondent
Halimbawa nito ay taas, bigat, edad, o grado ng mga mag-aaral; average na halaga ng kinikita sa pagpapart-time job ng mga part-time students; dami ng mga babae at lalaki o dami ng mga mag-aaral sa bawat baitang na sinarbey ng mananaliksik.
Pahayag ng tesis (thesis statement)
- kailangan ng paunang impormasyon o kaalaman upang makabuo
- naglalahad ng pangunahin o sentral na ideya ng sulating pananaliksik
- naglalahad sa pinapanigang posisyon o pananaw
ANG PAG BUO NG MAHUSAY NA PAHAYAG NG TESIS
Maaaring masubok kung mahusay o matibay ang nabuo mong pahayag ng tesis sa pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod:
*Nakasasagot ba ito sa isang tiyak na tanong?
*Tumutugma ba ito sa sakop ng pag-aaral?
*Nakapokus ba ito sa isang ideya lang? .
*Maaari bang patunayan ang posisyong pinaninindigan nito sa pamamagitan ng pananaliksik?
PARAAN NG PAGLALAHAD SA PAHAYAG NG TESIS
Hindi lang iisa ang paraan ng paglalahad sa panukalang pahayag. Ayon kay Samuels (2004), maaari itong isagawa sa alinman sa sumusunod na mga paraan:
*Isulat sa pamamagitan ng isang suliranin at isama rito ang iyong opinyon o posisyon.
*Talakayin ang kasalukuyang kalagayan ng isang isyu o suliranin at maghinuha kung paano ito maaaring malutas.
*Mag-isip ng maaaring maging solusyon sa isang suliranin.
*Tingnan ang isyu o paksa sa isang bago at naiibang perspektibo o pananaw.
*Magpanukala kung paanong ang mundo sana ay naiiba ngayon kung nangyari/hindi nangyari ang mga bagay-bagay sa nakalipas.
*Pagkomparahin ang dalawang bagay na halos magkapareho at bigyan ang mga ito ng marka.
*Maglahad ng iyong mga ideya kung paanong naimpluwensiyahan ang isang paksa kaya ito naging ganito o ganoon (Halimbawa: musika, sining, politika).
*
Makikita sa ibaba ang ilang halimbawa ng paksa at ang pahayag ng tesis na nabuo mula rito.
Paksa:
Pangunahing dahilan kung bakit tinatangkilik ang isang awiting isinalin sa ibang lengguwahe
Tesis:
Bukod sa himig at ritmo, tinatangkilik ang isinaling awit kung naisalin ang ideya ng orihinal na awit nang hindi hinahabol o isinisiksik ang titik ng pinagsalinang lengguwahe sa tono ng orihinal na awit.