pagpili ng paksa Flashcards
Pagpili Ng Paksa
Ang pag pili ng paksa ay isa sa pinakamapanghamong bahagi sa pag sulat ng pananaliksik. Madalas mga paksang palasak o lagi nang ginagamit ang pinipili ng mga mananaliksik dahil ang mga ito ang laging nakikita sa kapaligiran at sa iba’t ibang uri ng media.
Subalit kung mag-iisip at magiging mapanuri ang mananaliksik ay marami pang maaaring mapagkunan ng paksa, isang bago at naiibang paksa. Makikita sa ibaba ang ilan sa mga ito:
. INTERNET AT SOCIAL MEDIA
Sa kasalukuyang panahon, ang Internet at social media ay bahagi na ng buhay ng tao. Sa marami, ito ang unang tinitingnan paggising sa umaga at huling sinisilip bago matulog sa gabi. Napakaraming impormasyong taglay ang Internet at kung magiging mapanuri ka ay baka nariyan lang at naghihintay ang isang kakaiba at bagong paksang maaari mong gamitin para sa iyong pananaliksik.
TELEBISYON
Ang telebisyon, ay isa pa sa mga uri ng media na laganap lalo na sa panahon ng cable at digital television. Sa panonood mo ng mga balita, mga programang pantanghali, teleserye, talk shows, at iba pa ay baka matuon ang pansin mo sa isang paksang maaari mong gawan ng pananaliksik
DIYARYO AT MAGASIN
Pumunta ka sa aklatan at ilatag ang iba’t ibang diyaryo sa isang mesa. Mula sa mga ito’y pag ukulan ng pansin ang mga nangunguhang balita, maging ang mga opinion, editoryal, at mga artikulo.
Gawin mo rin ito sa mga magasain naman. Suriin at baka naririto lang ang paksang aakit sa iyong atensiyon.
MGA PANGYAYARI SA IYONG PALIGID
Kung magigisng mapanuri ka ay maaring may mga pang yayari o mga bagong kalakaran sa paligid na mapagtutuonan mo ng pansin at maaaari maging paksa ng iyong pananaliksik.
SA SARILI
Baka may mga taong kang naghahanap ng mga kasagutan subalit hindi mo naman basta maihanap ng kasagutan. O kaya’y baka may interes ka o mga bagay na curious ka at gusto mo pang mapalawak ang iyong kaalaman kaugnay nito.
Ang mga paksang nag mula sa bagay na interesado ang mananaliksik sapagkat nailalalgay niya hindi lang ang kanyang isipan kundi ang buong puso at damdamin para sa gawaing sa una palang ay gusto niya o interesadi siya
ANG SULATING PANANALIKSIK
Ang sulating pananaliksik ay malalimang pagtalakay sa isangg tiyak at naiibang paksa. Hindi lang ito basta pagsasama-sama ng mga datos na nasaliksik mula sa iba’t ibang primary at sekundaryang mapagkukunan ng impormasyon kundi taglay nito ang obhetibong interpretasyon ng manunulat sa mga impormasyong kanyang nakalap.
( Spalding, 2005).
Ang interpretasyong ito ang pinakamahalagang element ng isang tunay na sulating pananaliksik.
Ayon kina Constantino at Zafra (2010)
ang pananaliksik ay isang masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konsepto, bagay, tao, isyu, at iba pang ibig bigyang linaw, patunayan, o pasubalian.
Ayong naman kay Galero-Tejero (2011
ang pananaliksik ay may tatlong mahahalagang layunin: una, isinasagawa ito upang makahanap ng isang teorya; pangalawa, mula sa pananaliksik ay malalaman o mababatid ang katotohanan sa teoryang ito; pangatlo, isinasagawa ang pananaliksik upang makuha ang kasagutan sa mga makaagham na problema o suliranin.
Pananaliksik
Ang pananaliksik ay isang sistematikong proseso ng pangangalap, pag-aanalisa, at pag bibigay ng impormasyon upang masagot ang isang tanong, upang makadagdag sa umiiral na kaalaman, o pareho.
Ang resulta ng isang pananaliksik at maaaring mag hatid sa atin sa isang bagong teorya o konsepto, tumaliwas o sumuporta sa isang teorya o konsepto, rekomedasyon, o isa pang tanong na nangangailangan nang mas malalim na pananalliksik.
Pagkakaiba ng Sulating Pananaliksik sa Ordinaryong Ulat
- Mas malawak ang pokus ng ulat at iba pang pangkaraniwang teksto samantalang ang pokus naman ng sulating pananaliksik ay mas limitado.
- Dami o lawak ng gagamiting kagamitan o sanggunian
Katangian ng Pananaliksik (OSNEKMD)
Obhetibo, Sistematiko, Napapanahon o maiuugnay sa kasalukuyan, Empirikal, Kritikal, Masinop, Malinis, at Tumutugon sa Pamantayan, at Dokumentado
Obhetibo
Naglalahad ng mga impormasyong hindi basta galling sa opinion o kuro-kurong pinapanigan ng manunulat kundi nakabatay sa mga datos na maingat sa sinasaliksik, tinaya, at sunuri.
Sistematiko
Ito ay sumusunod sa lohikal na mga hakbang o proseso patungo sa pag papatunay ng isang katanggap-tanggap na kongklusyon.