Pangangailangan at Kagustuhan Flashcards
Ito ay tumutukoy sa mga proudkto o serbisyo na kahingian (requirement) ng isang tao upang mabuhay.
Pangangailangan
Ito ay binubuo ng mga produkto o serbisyo na nais o kahilingan ng isang indibidwal ngunit hindi naman kinakailangan upang mabuhay.
Kagustuhan
Ayon sa teorya ng motibasyon niya, ang isang indibidwal ay may iba’t ibang pangangailangan na nakaayos sa herarkiya.
Abraham Maslow
Ano ang limang antas ng herarkiya ng pangangailangan?
(1) Pangangailangang Pisyolohikal
(2) Pangangailangang Pangkaligtasan at Panseguridad
(3) Pangangailangan sa Pakikipagkapuwa (Social Needs)
(4) Esteem Needs
(5) Kaganapan ng Pagkatao (Self-actualization)
Ito ang itinuturing na pinakaunang antas sapagkat ito ay ang pangunahing kahingian para mabuhay ang tao.
Pangangailangan Pisyolohikal
Ito ay ang ikalawang antas ng herarkiya kung saan mahalaga para sa isang indibidwal na siya ay malayo sa anumang uri ng kapahamakan upang mabuhay nang matiwasay.
Pangangailangang pangkaligtasan at panseguridad
Ito ay tumatallakay sa pangangailangan ng isang indibidwal na maramdaman niyang siya ay bahagi ng isang pangkat (sense of belongingness).
Pangangailangan sa pakikipagkapuwa (social needs)I
Ito ay tumutukoy sa pangangailangan ng isang indibidwal na magkaroon ng dignidad o halaga bilang isang tao.
Esteem needs
Ito ay ang pinakatuktok ng herarkiya kung saan ito ang punto kung saan ang isang indibidwal ay narating na ang kaniyang pinakamatas na potensiyal bilang isang tao.
Kaganapan ng pagkatao (Self-actualization)
Ito ay ang pagkakaroon ng kaalaman pagdating sa iba’t ibang konseptong pampinansiyal tulad ng interes, implasyon, at mga basuc numeracy skill.
Financial literacy
Ito ay ang kaalaman, kakayahan, at pag-uuali na may kinalaman sa pagpapasiyang pampinansiyal o salapi.
Financial Capability
Kabilang dito ang edad, kasarian, at panlasa ng isang mamimili.
Personal na salik
Kabilang dito ang katayuang panlipunan ng isang indibidwal.
Sosyo-ekonomikong salik
Kabilang dito ang relihiyon, mga tradisyon, at paniniwala.
Kultural na salik