Mahahalagang Konsepto sa Ekonomiks Flashcards
Siya ay isang propesor ng ekonomiks sa Harvard University.
N. Gregory Mankiw
Ano ang aklat ni N. Gregory Mankiw kung saan mayroong apat na prinsipyo (principles) pagdating sa pagpapasiya ng isang indibidwal.
Principles of Microeconomics
Ano ang apat na konsepto ng Ekonomiks?
Trade-off, Opportunity Cost, Marginal Thinking, at Incentives
Ito ay nanganggahulugan ng pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng iba pang bagay na ninanais.
Trade-off
Ito ay ang ipinagpalibang halaga sa bawat pagpapasiya na gagawin. Ito ay ang halaga ng isinakripisyo mo sa iyong isinagawang pagpapasiya.
Opportunity Cost
Ito ay ang tawag sa taong sistematikong bumubuo ng desisyon batay sa kung ano ang palagay niya na magdudulot sa kaniya ng higit na kapakinabangan.
Rasyonal
Ito ay ang pinakamaliit na pagbabago na maaaring maidulot sa kaniya ng pagpapasiyang gagawin.
Marginal Changes
Ito ay ang pagsusuri ng isang indibidwal sa karagdagang halaga, maging ito man ay gastos o pakinabang na makukuha mula sa gagawing desisyon.
Marginal Thinking
Ito ay tumutukoy sa isang bagay na maaaring magtulak sa isang tao upang piliin ang isang desisyon.
Incentive
Ito ay nakatuon sa pagpapasiya ng mga indibidwal at mga kompanya. Maaari itong ihalintulad sa isang indibidwal, sa isang pamilya, o kaya naman ay sa isang negosyante.
Maykroekonomiks
Ito ay nakapokus naman sa paraan ng pagpapasiya na ginagawa ng pamahalaan o ng isang bansa na nakaaapekto sa pangkalahatang ekonomiya nito.
Makroekonomiks
Ayon sa batas na ito, ang mga indibidwal na kumikita ng 250 000 piso sa loob ng isang taon o 21 000 piso sa loob ng isang buwan ay hindi na kasali sa pagbabayad ng Personal Income Tax.
Republic Act No.10963 (Batas Republika Blg. 10963) o Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law
Tinalakay sa artikulong ito ang mga dahilan kung bakit mahalagang pag-aralan ang ekonomiks.
The Importance of Studying Economics in Today’s World na nailathala sa Financial Express: Read to Lead (2018)
Ang salitang ekonomiks ay nagmula sa salitang Griyego na ________ na binubuo ng salitang oikos, na ang ibig sabihin ay _________, at nomos na nanggaling sa salitang nemein, na nangangahulugang __________.
(1) Oikonomia (2) Tahanan (3) Pamamahala
Ito ay prosesong ginagamit para sa masusing pananaliksik at pagsusuri upang maging makatotohanan ang paglalahad ng mga suliranin ng lipunan.
Siyentipikong Pamamaraan