Pangangailangan at Kagustuhan Flashcards
- Mga bagay na kailangan ng tao upang silang ay mabuhay nang maayos.
- Mga bagay na lubhang mahalaga upang ang tao ay mabuhay.
- Kung ipagkakait ito, magdudulot ito ng sakit o kamatayan.
Pangailangan
- Mga bagay na ginusto lamang ng tao.
- Maaaring mabuhay kahit wala ang mga ito.
- Ang pagnanais na tugunan ito ay bunga lamang ng layaw ng tao.
Kagustuhan
Kabilang ang mga biyolohikal na pangangailangan.
Ang kakulangan sa antas na ito ay maaring maging sanhi upang siya ay makaranas ng karamdaman at panghihina ng katawan.
Physiological needs
Kabilang dito ang mga pangangailangan para sa kaligtasan at katiyakan ng buhay gaya ng hanapbuhay, pinagkukunang-yaman at seguridad para sa sarili at pamilya.
Pangangailangang Pangkaligtasan
Tungkol sa pangangailangang panlipunan. Hangad ng isang tao na siya ay matanggap at mapasama sa iba’t ibang uri ng pangkat at pamilya. Ang kawalan nito ay maaring magdulot sa kanya ng kalungkutan at pagkaligalig.
Pangangailangang magmahal at makisap
Pangangailangan sa pagkakamit ng respeto sa sarili at sa kapwa hangad ng tao na makilala at magkaroon ng ambag sa lipunan. Ang kakulangan nito ay magdudulot sa mababa o kawalan ng tiwala sa sarili.
Pagpapahalaga sa sarili at iba
Hangad ng tao na magamit nang husto ang kanyang kakayahan upang makamit ang kahusayan sa iba’t ibang larangan. Tanggap ng tao ito ang katotohanan ng buhay.
Kaganapang Pansarili
Ano ang mga salik na nakaiimpluwensya sa pangangailangan at kagustuhan
- Kasarian
- Gulang o Edad
- Edukasyon
- Trabaho
- Kita
- Presyo
- Panahon
- Panlasa o Preference