Kakapusan Flashcards
Ito ay ang tawag sa halaga ng isang bagay na isinakripisyo o ipinapalibang gawin para matamo ang isa pang bagay.
Opportunity Cost
Tumutukoy ito sa isang sitwasyon kung saan limitado o hindi sapat (insufficient) ang mga pinagkukunang-yaman upang matugunan ang walang hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Kakapusan
Nahihirapan ang kalikasan at ang tao na paramihin at pag-ibayuhin ang kapakinabangan ng pinagkukunang yaman. Ito ay dahil non-renewable ang pinagkukunang yaman.
Absolute Scarcity
Ang pinagkukunang yaman ay hindi makaagapay sa walang hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Relative Scarcity
Ito ay nagaganap kung may pansamantalang pagkukulang sa suplay ng isang produkto o serbisyo.
Kakulangan
Ano ang mga pinagkukunang yaman o resources?
- Likas na pinagkukunang-yaman
- Yamang-tao
- Yamang pisikal
Ano ang Likas na pinagkukunang-yaman?
Tubig, Lupa, Mineral, Gubat, at Enerhiya.
Ano ang kalagayan ng pinagkukunang-yaman ng Pilipinas?
Ang Pilipinas ay isang archipelago na may kabuuang sukat na 30 milyong ektarya o 300,000 kilometro kwadrado ng lupain.
Sa Yamang lupa, ang pangunahing gawaing pang-ekonomiya sa bansa ay __________?
Agrikultura
Sa Yamang tubig, ang katubigan Pilipinas ay may kabuuang sukat na ________________ na nagtataglay ng masaganang yamang dagat.
1.67 milyong kilometro kuwadrado
Sa Yamang mineral, Ang metal na deposito ay humigit kumulang na _ metriko tonelada at ang di-metal naman ay _.
Metal: 21.5 bilyon
Di-metal: 19.3 bilyon
Sa Yamang Gubat, Noong 1994, natuklasan ng mga eksperto na nasa _________ na lamang sa kabuuang 15 milyong ektarya ng yamang gubat ng Pilipinas ang nasa mabuti pang kalagayan.
5,686,055 ektarya
Ano ang NIPAS?
National Integrated Protected Areas System
Pinanggagalingan ng materyal sa paggawa ng bahay sa lalawigan o bahay kubo
Nipa Palms
Ang mga _________ ay nagsisilbing bakod sa mga mababang bahagi ng katubigan
Mangroves
Sa Yamang Enerhiya, Dating walang produksyon ng langis sa bansa hanggang sa sinimulang linangin ang MALAMPAYA OIL RIM noong ____ sa pangunguna ng Philippine National Oil Corporation.
Oktubre 2001
Isa rin ang Pilipinas sa may pinakamalaking produksyon ng _________.
enerhiyang heotermal
Ano-ano ang mga uri ng Enerhiya?
- Hydroelectric Energy
- Solar Energy
- Geothermal Energy
- Dendrothermal Energy
- Fossil Fuels
- Wind Energy
Uri ng yamang enerhiya na nagmumula sa ating yamang tubig tulad ng Maria Cristina Falls sa Lanao del Norte na nagsu-supply ng elektrisidad sa Mindanao.
Hydroelectric Energy
Ito ay enerhiya na nagmumula sa init ng araw.
Solar Energy
Isa sa mga enerhiya na nakapag-ambag sa operasyon ng mga industriya. Ito ay init na nagmumula sa ilalim ng lupa na matatagpuan sa Albay, Laguna, at Leyte.
Geothermal Energy
Ito ay uri ng enerhiya na buhat sa singaw na likha ng mga nasusunog na kahoy. Ang mga punongkahoy na sinusunog tulad ng ipil-ipil ay mainam na pinanggagalingan ng enerhiyang ito.
Dendrothermal Energy
Ito ang pinagkukunan ng enerhiya na mula sa labi ng mga tuyong halaman at hayop.
Fossil fuels
Ito ang enerhiya na galing sa windmill, ito ay pinatatakbo sa pamamagitan ng mga wind turbine. Ang mga blades nito ang tumutulak sa generator na lumikha ng elektrisidad.
Wind Energy
Siya ang namamahala sa lahat ng nasa lupa, tubig at himpapawid.
Yamang tao
- Ayon sa komprehensibong pag-aaral ng ekonomistang si Thomas Malthus tungkol sa epekto ng populasyon, ang pagdami ng tao ay mas mabilis kaysa sa pagdami ng supply ng pagkain.
- Kaya’t mahihinuha dito na ang ugat ng gutom at kahirapan ay maiuugnay sa paglaki ng populasyon.
Demogropiya ng Pilipinas
Ano ang formula para sa densiad ng populasyon?
Populasyon/Sukat ng lupain
Ang ang formula para sa population growth rate?
PGR = Pop(kasalukuyan) - Pop(Nakaraan)/Pop(Nakaraan) x 100
Sumasaklaw sa lahat ng kagamitan o kasangkapan, gusali, istruktura, makinarya o anumang sangkap na makatutulong o magagamit sa proseso ng produksyon. Tinatawag din itong kapital o capital resources.
Yamang Pisikal
“wear and tear” ng kapital
Deprasyon
pagiipon ng mas maraming kapital o kagamitan upang lumawak pa o mapaigi pa ang produksyon.
Pangangapital
Ano ang mga palantandaan ng kakapusan?
- pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
- maraming nagkakasakit at nagugutom.
- pilit na umaangkat ang bansa kahit ito ay naghihirap