Pandarayuhan ng Sinaunang Tao Flashcards
Panahon ng Bato
nahahati sa Palaeolithic, Mesolithic, at Neolithic
Paleolithic
- Panahon ng Lumang Bato
- palaios=luma
- lithos=bato
- Ang sinaunang tao ay nananatiling Nomad
- Natuklasan ng tao ang paggawa ng mga kagamitan upang maparami ang pagkain.
- Nilinang ang kagamitang bato sa pamamagitan ng prosesong Flaking.
- Natuklasan ang paggamit ng apoy.
- Nakapaglining ng wika.
- Mga palamuti at alahas mula sa kabibe at ngipin, at tusk ng mammoth.
- ANG MGA LALAKI AY NANGANGASO
- ANG MGA BABAE AY NAGHAHANAP NG MAKAKAIN SA KAPALIGIRAN
Mesolithic
- Panahon ng gitnang Bato
- Sumulpot ang iba’ t-ibang uri ng hayop at halaman sa daigdig.
- Mangaso ng pangkatan, Mangisda, at mag-alaga ng hayop at halaman.
- Kagamitang gawa sa Microlith.
(Harpoon, lagare, sibat, pana, palakol)
Neolithic
- Panahon ng Bagong Bato
- neos=bago
- lithos=bato
- Pagsisimula ng Rebolusyong Agrikultural
- Nalinang ang bagong paraan ng pagsasaka at pagtuklas na nagbigay-daan sa pagdami ng produksyon ng pagkain.
- Sistemang Kaingin
- Nagpapaamo at nagpaparami ng alagang hayop upang masiguro ang
suplay ng pagkain - Malawak ang transisyon sa buhay ng tao mula sa pangangaso at pagtitipon patungo ng pagsasaka.
- Sinimulan ng tao na linangin ang iba pa nilang kakayahan tulad ng pagpapalayok, paggawa ng iba pang kagamitan, alahas, bahay, at iba pa.
- Mga pagbabagong naganap sa panahong ito ay tinatayang bunga ng pagbabago ng klima.
- Unti unting lumaki ang populasyon sa mundo
Panahon ng Metal
- nahahati sa panahon ng tanso, bronze, at bakal
- Nagsimula bago pa matapos ang Panahon ng Bagong Bato.
- 4,000 B.C sa Asya
- 2,000 BCE sa Europa
- 1,500 BCE sa Egupt
- Nalinang ang mga kagamitan na yari sa Metal
Panahon ng Tanso
-Transison sa pagitan ng Panahong
Neolithic at Bronse
-Natuklasan ang proseso ng metallurgy
Panahon ng Bronze
-Paghalo ng lata (tin) sa tanso na nagbunga ng mas matigas na metal.
-Pagbuo ng ibat-ibang kagamitan ay nagsimula na nagging Kapakipakinabang sa pakikipagdigmaan.
-Ang tao ay nagsimulang makipagkalakalan (trade) at napaunlad ang mga rutang pang kalakalan.
- Pagtatakda ng buwis sa lata at kabayaran sa daang pangkalakalan
Panahon ng Bakal
- Ang Hittites ang unang pangkat ng taong gumamit ng bakal
- dahil sa tigas, tibay, at dami ng mapagkunan ng bakal, ito ay naging popular sa buong mundo
Pandarayuhan ng Homo-Erectus
Africa->Asya(80,000-60,000)->Indonesia, Papua new Guinea, at Australia (45,000 taon nakalipas) -> Europa (40,000 taon nakalipas)
Ang Hominid ay dumaan sa baybayin ng….
Mediterranean at Danube sa Turkey patungong Silanang Europa
Pandarayuhan ng Homo Sapiens Neanderthalensis
Bundok ng Croatia->Iberian Peninsula->Crimea (35,000-23,000 taon)
Ang Huling pandarayuhan
Tumawid mula: Asya->North America-> South America (15,000-12,000 taon)