paksa ng tula Flashcards
pagmamahal sa bayan, nagpapahayag ng kanilang damdaming nasyonalismo, kasaysayan ng bansa, buhay ng dakilang tao sa bansa ( MI Ultimo Adios- )
Tulang makabayan
punum-puno ng damdamin na may kinalaman sa pag- ibig ng dalawang magkasintahan, kasawian sa pag- ibig
tula ng pagibig
kahalagahan ng kalikasan sa buhay ng tao, kadakilaan,kagandahan at karilagan ng kalikasan na nakaakit sa makata
tula ng pangkalikasan
binibigyan diin ang katangian ng buhay sa kabukiran, gayundin sa kagitingan at kadakilaan ng mga magsasakang nagbubungkal ng mga lupa.
tulang pastoral
Ito ay nagpapahayag ng matinding damdamin at ginagamitan ng bantas ng tandang padamdam.
maikling sambitla
Mga pangungusap na may anyong pasalaysay o paturol
Halimbawa : Kasiyahan: Natutuwa ako sa pagdating ng binatang nagsalba ng
aking buhay.
Pag-ayaw: Pasensiya na, pero hindi ko gusto ang pananakit mo sa bata.
Pagkagalit: Galit ako sa pagmamalupit ng mga tao sa mahihina. Pagtataka: Bakit hindi siya nagsasawang tumulong sa iba.
Mga pangungusap na nagsasaad ng tiyak na damdamin o emosyon ng isang tao
Halimbawa :
- Masyadong maanghang ang dila mo (masakit kung magsalita)
- Makitid talaga ang utak mo (hindi makaunawa)
- Kumukulo ang dugo ko sa ginawa mo kay Julie (Nagagalit ako)
Mga pangungusap na nagpapahiwatig ng damdamin sa hindi diretsahang paraan