ipahiwatig ng mga taludtod Flashcards
Sa mga pangyayaring walang katiyakan,
Kung saan ang tao’y naghihinala’t
tuwina’y may agam-again
May nabubuong pag-aalinlangan sa puso at isip ng mga tao sa mga pangyayaring nagaganap sa mundo na walang katiyakan
Puting kalapati, libutin itong sandaisdisan
Ang hanging pangsabi’ y iong panariwain
Ang mga bulaklak iyong pamukadkarin.
Itong aming mga labi’y iyong pangitin.
Ang paghahari ng kapayapaan sa mundo ang makapagdudulot ng pag-asa at kagalakan sa mga taong dumanas ng kaapihan o
kasamaan.
Itong sandaigdigan, paniwalain mo sa kapayapaan
Habang puso’y pumipintig sa gabi ng katahimikan.
Habang may buhay may pag-asa pa ring maghahari ang kapayapaan sa mundo.
Ngunit ikaw na palamara
Tulad ng alabok, humayo ka’t mawala
Pagkat mundo mo’t bantayog ay gumuho na
Hindi kailanman magtatagumpay sa kabutihan ang kasamaan
Ngayon ay may bagong hinagap na kayganda
Bilang repleksiyon nitong buhay n mpayapa.
Habang may buhay may pag-asa.