PAGPAG Flashcards
Ano ang Tekstong Impormatibo?
Naglalahad ng mga bagong kaalaman, pangyayari, paniniwala at mga impormasyon.
Ano ang Tekstong Deskriptib?
Isang uri ng paglalahad at naisasagawa sa pamamagitan ng mahusay na paglalarawan.
Ano ang Deskriptib Impresyunistik?
Ay uri ng tekstong naglalarawan na nanagpapakita lamang ng pansariling pananaw o opinyon at personal na pakiramdam ng sumulat.
Ano ang Deskriptib Teknikal?
Ay uri ng tekstong naglalarawan na nagpapakita ng obhetibong pananaw sa tulong ng mga tiyak na datos, mga ilustrasyon, at dayagram.
Ano ang Tekstong Persuweysib?
Naglalahad ng mga payahag upang makapanghikayat o makapangumbinsi sa mga tagapakinig o mambabasa.
Ano ang 3 Elemento ng Tekstong Persuweysib?
- Ethos
- Logos
- Pathos
Ano ang Ethos?
Tumutukoy sa kredibilidad o personalidad ng manunulat o nagsasalita.
Ano ang Logos?
Tumutukoy sa pangangatwiran o lohika na pagmamatuwid ng manunulat o tagapagsalita.
Ano ang Pathos?
Tumutukoy sa emosyon o nararamdaman o saloobin ng mambabasa o tagapakinig.
Ano ang Tekstong Naratib?
Isang uri ng tekstong naglalayong magkuwento o magsalaysay.
Ano ang 3 Bahagi ng Tekstong Naratib?
- Eksposisyon
- Mga komplikasyon o kadena
- Resulusyon o Denouement
Ano ang Tekstong Prosidyural?
Nagpapaliwanag kung paano ginagawa o binubuo ang isang bagay.
Ano ang Tekstong Argumentatibo?
Naglalayong manghikayat, naglalahad ito ng mga oposisyong umiiral na kaugnayan.
Ano ang 3 Paraan sa Pagtukoy ng kahulugan ng Salita?
- Pagbigkas
- Estruktura
- Konteksto
Ano ang 2 Uri ng Wika?
Pormal at Impormal.
Ano ang 2 uri ng pormal na Wika?
Pambansa at Pampanitikan.
Ano ang Pambansa?
Ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila para sa paaralan at pamahalaan.
Ano ang Pampanitikan?
Ang mga salita ay karaniwang malalim, makulay at masining.
Ano ang 3 uri ng impormal na wika?
Lalawiganin, Kolokyal, Balbal.
Ano ang Lalawiganin?
Ito ay gamit ng mga tao sa partikular na pook o lalawiganin.
Ano ang Kolokyal?
Pang araw araw na salita.
Ano ang Balbal?
Nagkakaroon ng sariling codes, mababa ang antas nito.
Ano ang Karaniwang Paraan ng Pagbuo ng salitang Balbal?
- Paghango sa salitang Katutubo
- Panghihiram sa mga wikang Banyaga
- Pagbibigay kahulugan sa salitang tagalog.
Ano ang 4 na uri ng Pananaw o Punto de Vista?
- Unang Panauhan
- Ikalawang Panauhan
- Ikatlong Panauhan
- Kombinasyong Pananaw o Paningin.
Ano ang Mga Elemento ng Tekstong Naratibo?
- Tauhan
- Tagpuan at Panahon
- Banghay
- Paksa o Tema.
Ano ang Uri ng Tauhan (E. M. Forster)?
- Tauhang Lapad
- Tauhang Bilog.
Ano ang Analepsis?
Flashback.
Ano ang Prolepsis?
Flash Forward.
Ano ang Ellipsis?
May bahagi sa pagsasalaysay na tonatanggal o hindi isinasama.
Ano ang Katangian ng mahusay na pagsulat ng Tekstong Impormatib?
- Kalinawan
- Katiyakan
- Diin
- Kaugnayan.
Ano ang Bahagi ng Tekstong Prosidyural?
- Inaasahan o Target Awtput
- Mga kagamitan
- Metodo
- Ebalwasyon.
Ano ang COHESIVE DEVICES O KOHESYONG GRAMATIKAL?
Mga panghalip na salita na ginagamit upang pagdugtungin ang mga salita, parirala at sugnay.
Ano ang Reperensiya?
Paggamit ng mga salitang maaaring tumutukoy o maging reperensiya ng paksang pinag-uusapan.
Ano ang Anapora?
Panghalip ay nasa hulihang bahagi.
Ano ang Katapora?
Ang panghalip ay nasa unahang bahagi.
Ano ang Substitusyon?
Paggamit ng ibang salitang ipinalit sa halip na muling ulitin ang salita.
Ano ang Elipsis?
May ibinabawas na bahagi ng pangungusap.
Ano ang Pang-Ugnay?
Nagagamit ang mga pang-ugnay.
Ano ang Kohesyong Leksikal?
Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng kohesyon.
Ano ang Reiterasyon?
Kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit nang ilang beses.
Ano ang Kolokasyon?
Mga salitang magkapareha o magkasalungat.
Ano ang Reaksyong Papel?
Maituturing na isang uri ng sulatin kung saan ang may akda ay makakapagbigay ng sariling ideya at opinion sa tekstong binasa.
Ano ang mga bahagi ng Reaksyong papel?
- Introduksyon
- Katawan
- Konklusyon
- Pagsipi at pinagmulan ng mga impormasyon.
Ano ang Pangunahing Kaisipan?
Tinatawag sa Ingles na Main idea.
Ano ang Pantulong na kaisipan?
Tinatawag sa Ingles na supporting details.
Ano ang Anapora (Classification)?
Si Anna ay sumali sa isang paligsahan at sa huli siya ang hinirang na wagi.
Ano ang Katapora (Classification)?
Siya’y walang Katapatan sa lupang ito sapagkat si Cardo ay anak sa labas!
Ano ang Substitusyon (Classification)?
Nawala ko ang iyong correction tape, papaltan ko na lang ito ng bago.
Ano ang Ellipsis (Classification)?
Si Ray ay bumili ng apat na lollipop at si Kurt ay bumili ng dalawang lollipop.
Si Ray ay bumili ng apat na lollipop at si Kurt namay dalawa.
Ano ang Pang-Ugnay (Classification)?
Hindi pumasok si Jay-Jay dahil siya’y may sakit.
Ano ang Reiterasyon (Pag-uulit) (Classification)?
Maraming babae ngayon ang nabubuntis ng maaga karamihan sa mga kababaihang ito ay menor de edad.
Ano ang Reiterasyon (Pag-iisa-isa) (Classification)?
Makulay ang aking mga kuwaderno, mayroong pink, blue yellow, at purple.
Ano ang Reiterasyon (Pagbibigay Kahulugan) (Classification)?
Palaging inaasar si Lilay nh “balat sibuyas” dahil siya’y pala iyak.
Ano ang Kolokasyon (Classification)?
Matangkad-pandak.