Paglabag Sa Karapatang Pantao Flashcards
“Ipinanganak na malaya ang tao, ngunit siya’y alipin saanman pumunta.”
Jean-Jacques Rousseau
Nawawala ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao kapag nasusupil, inpinagkakait o nilalabag ang kanilang mga karapatan
Konsepto ng Paglabag sa Karapatang Pantao
Sanhi ng Paglabag
1) ideolohiya
2) kalakaran at kultura
3) Kaisipang pang-ekonomiya
Iba-ibang pananaw ng tao na humuhubog sa mga damdamin at pangarap ng tao tungo sa hinahangad nitang kaayusan ng kanyang buhay
Ideolohiya
Kaayusan na naaayon sa pamumuhay ng bawat tao
Kalakaran
Mga pangkat etnikong bahagi ng pagkakabuo ng ating kasaysayan
Kultura
Nagkakaroon ng panunupil sa karapatan sa masaganang pamumuhat ang ibang taong nangangailangan ng mga likas yaman
Kaisipang pang-ekonomiya
Mga epekto ng pagalabag
1) kahirapan
2) kaguluhan at karahasan
3) kawalan ng moralidad
Kawalan ng sapat na ikabubuhay.
Nagkakaroon ng di-pantay na pagbibigay ng pangangailangan ng bawat tao at nagkukulang ang karamihan dito
Kahirapan
Bunga ng ideolohiya at kalakaran tuwing ito’y sinusulong at idinidikta ng isang pangkat ng lipunan sa iba pang pangkat.
Kaguluhan at Karahasan
Nawawalan ng pamantayan para sa kabutihan kapag may paglabag sa karapatang pantao
Kawalan ng Moralidad
Halimbawa ng Paglabag
1) Modernong Pag-aalipin
2) Karahasan laban sa mga pangkat minorya
3) Terorismo
Paggamit ng dahas at pananakot upang pagtrabuhin ang isang tao para sa kabuhayang hindi niya pinilit o ginusto
Modernong Pag-aalipin
Isang organisasyong nagtatanggol sa karapatan ng mga manggagawa
International Labor Organization
ILO
Uri ng pang-aalipin na ispesipiko sa mga manggagawa sa labas ng bansa o sapilitang gawa
Forced Labor
Uri ng pang-aalipin na ispesipiko sa mga kabataan
Child Soldiers
Uri ng pang-aalipin na espesipiko sa mga kababaihan
Prostitusyon
Ang pagkakait sa kanilang karapatan sa pagsasarili, pamumuhay sa kanilang karapatang maisabuhay ang kanilang kultura ay nangyayari bunsod ng mga suliranin at tinitirhan
Karahasan laban sa mga pangkat minorya
Dahasang paghasik ng lagim sa mga pamayanan sa loob ng bansa upang maiparating ang hangarin ng isang pangkat para sa pansarili nitong kapakanan
Terorismo
3 Kodigo Legal
1) Civil
2) Revised Penal
3) Labor
Tuntunin na nagtatakda ng wastong ugnayan sa pagitan ng mga kasapi ng lipunan upa maprotektahan ang kapakanan ng mga indibiduwal
Civil Code
Alituntunin para sa mga kasong kriminal ng isang nasasakdal
Revised Penal Code
Binagong Kodigo Penal
Lahat ng manggagawa ay may karapatan sa mabuting kabuhayan. Hindi maaaring ipagkait ang tamang pagsahod
Labor Code
Pinakamaliit na yunit ng pamahalaan na nagsisilbing tanggapan ng mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao
Barangay Human Rights Action Center (BHRAC)