Pagkukusa Flashcards
Ayon kay ____,
“nakasalalay kung anong uri ng tao ang isang indibiduwal sa ikinikilos sa kasalukuyan at sa susunod pa na mga araw.”
Agapay
Ayon pa kay ____, ang
kilos ang nagsisilbing
salamin na nagpapakita
kung ang isang tao ay may
kontrol at pananagutan sa
sarili.
Agapay
ano ung 2 uri ng kilos?
Kilos ng tao (Acts of man)
Makataong Kilos (Humane act)
Mga naisasagawang kilos na labas sa kanyang kontrol na ayon sa kalikasan bilang tao
Kilos ng tao (Acts of man)
Ang mga kilos na ito ay hindi ginagamitan ng isip (intellect) at kilos-loob (free-will)
Kilos ng tao (Acts of man)
Walang pananagutan ang taong nagsagawa ng kilos.
Kilos ng tao (Acts of man)
Anong klaseng kilos ang Halimbawa mga ito: pagkurap ng mata, paghikab, pag-ihi
Kilos ng tao (Acts of man)
Ito ay mga kilos ng tao na isinasagawang may kaalaman (knowingly), malaya (free) at kusa
(voluntarilly)
Makataong Kilos (Humane act)
Ang mga kilos na ito ay ginagamitan ng isip(intellect) at kilos-loob(free will)
Makataong Kilos (Humane act)
Ano man ang kahihinatnan ng kilos ay pananagutan ng taong nagsagawa ng kilos.
Makataong Kilos (Humane act)
Anong klaseng kilos ang Halimbawa mga ito: pagnanakaw, hindi pagsabi ng totoo,pagkalat ng dumi
Makataong Kilos (Humane act)
3 URI NG KILOS AYON SA KAPANAGUTAN
(Accountability)
Ayon kay Aristotle
- KUSANG-LOOB
- WALANG KUSANG-LOOB
- DI KUSANG-LOOB
- ito ang kilos na isinasagawa nang may kaalaman at pagsang-ayon sa kahihinatnan ng kilos nito.
Kusang-Loob
–kilos na isinasagawa nang walang kaalaman, walang pagsang-ayon kaya walang pagkukusa sa kilos.
Walang Kusang-Loob
- kilos na isinasagawa nang may kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon. Ibig sabihin, ang gumagawa sa kilos ay may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan pero hindi isinagawa. Ito rin ay ang
sapilitan pagsagawa ng kilos.
Di Kusang-Loob