Kilos at Pasiya Flashcards
Ito ay tumutukoy sa kawalan ng kasalatan o kaalaman na dapat taglay ng isang tao.
Kamangmangan
Mahalagang tandaan na may obligasiyon ang
bawat tao na alamin ang tama at mabuti, mali at
masama. Nawawala ang dangal ng konsensiya
kapag ipinagwalang-bahala ang tao ang
katotohanan at kabutihan.
Kamangmangan
Dalawang uri ng Kamangmangan:
madaraig (vincible)
hindi madaraig (invincible)
– ito ay ang kawalan ng
kaalaman sa isang gawain subalit may
pagkakataong itama o magkaroon ng tamang
kaalaman at paraan upang malagpasan at
matuklasan ito.
madaraig (vincible)
– ito ay maaaring
kamangmangan dahil sa kawalan ng kaalaman na
mayroon siyang hindi alam na dapat niyang
malaman o kaya naman ay walang posibleng
paraan upang malaman ang isang bagay sa sariling
kakayahan o sa kakayahan man ng iba.
hindi madaraig (invincible)
Tumutukoy ito sa masidhing pag-asam o paghangad na makaranas ng kaligayahan at pag-iwas sa mga bagay na nagdudulot ng sakit o hirap.
Masidhing Damdamin
ay likas na sa tao kaya may pananagutan ang tao na pangasiwaan ang kaniyang emosyon dahil kung hindi, ang emosyon ang magkokontrol sa tao. Ang masidhing damdamin ay maaari sobrang kasiyahan, kalungkutan at paninibugho.
Masidhing Damdamin
Dalawang uri ng ng Damdamin:
nauuna (antecedent)
nahuhuli (consequent)
– nadarama o napupukaw kahit hindi sinadya.
nauuna (antecedent)
– damdaming sinadyang inalaagan kaya ang kilos ay sinadya at may pagkukusa
nahuhuli (consequent)
Ito ay pagkabagabag ng isip ng tao na humaharap sa anumang uri ng pagbabanta sa kaniyang buhay o mga mahal sa buhay.
Takot
Pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang pilitin ang isang tao na gawin ang isang bagay na labag sa kaniyang kilos-loob at pagkukusa.
Karahasan
Ito ay maaaring gawin ng isang taong may mataas na impluwensiya. Ang iba’t ibang anyo ng karahasan ay kinikilala bilang mga isyu sa karapatang pantao, kabilang ang mga pagpapahirap, karahasan laban sa kababaihan, at karahasan laban sa mga bata.
Karahasan
Ang mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa at naging bahagi na ng sistema ng buhay sa araw-araw ay tinuturing na gawi (habits).
Gawi
Kailangang matutunan ng tao na suriin ang kilos at pasya upang maiwasan ang mga salik gaya ng kamangmangan, takot, karahasan, masidhing damdamin at gawi.
Pagsusuri sa Kilos at Pasiya