PAGBASA Flashcards
Proseso ng ppagsasaayos, pagkuha, at pag-unawa ng anumang uri ng impormasyon o ideya na kinakatawan ng salita o simbolo na kailangang tignan at suriin upang maunawaan.
Pagbasa
Ang pagbasa ay isang —————————-
Psycholinguistic guessing game
Proseso ng pagbasa
- Persepsyon
- Komprehensyon
- Reaksyon
- Integrasyon
Kakayahang kilalanin ang mga simbolong nakalimbag at bigkasin nang wasto ng mga salita
Persepsyon
Kakayahang unawain ang kabuuan ng nilalaman ng teksto
Komprehensyon
pagkakaroon ng panghuhusga at pangwawari sa tekstong binasa
Reaksyon
pag-uugnay ng mga kaalamang nabasa sa sarili niyang buhay
Integrasyon
Mga teorya sa pagbasa
- Teoryang itaas-pababa
- Teoryang ibaba-pataas
- Teoryang integrasyon
- Teoryang iskema
Ang ibig sabihin ng teoryang ito ay ang pag-unawa ay batay sa kabuuang kahulugan ng teksto
Teoryang itaas-pababa
Ang pag-unawa ng isang bagay ay nag-uumpisa sa teksto (reading text) at napupuntya sa utak ng mambabasa matapos maproseso sa tulong ng mata at utak o isipan
Teoryang ibaba-pataas
Nagkakaroon ng epektibong pag-unawa sa teksto kapag ginagamit ng isang mababasa ang kaalaman niya sa estruktura ng wika at sa bokabularyo kasabay ang paggamit ng dating kaalaman (shema) aty mga pananaw
Teoryang integrasyon
Ang tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa ang sentrong iniikutan ng pang-unawa at hindi ang teksto mismo
Teoryang iskema
May kabagalan ang pagbabasa nito at paulit-ulit. Ginagawa ito upang matandaan ang mahahalagang pangyayari at upang maunawaan ang binabasa.
Pagbabasa para sa pag-aaral
Tinatawag ding “Masikhay o Masinsinang Pagbabasa”. Ginagamit sa maiikling teksto upang makakuha ng mga tiyak na im pormasyon.
Intensibong Pagbabasa
Tinatawag ding “Masaklaw na Pagbabasa”. Ginagamit upang makakuha ng pangkalahatang pang-unawa sa mahahabang teksto.
Ekstensibong Pagbasa
Nagbibigay ng mensahe o damdamin ng sinuman sa paraang pasulat o nakaimbag
Teksto
Ay babasahing nagtataglay ng mahahalagang detalye sa isang bagay, tao, lugar o pangyayari.
Teksto
Anumang uri ng bagay na maaaring basahin
Teksto
Ibat ibang uri ng teksto
- Tekstong Akademik
- Tekstong Propesyonal
*Mga babasahing ginagamit sa pag-aaral ng iba’t-ibang disiplina tulad ng Sosyolohiya,Ekonomiks, Antroplohiya, Edukasyon, Matematika,Humanidades, Sining, Komunikasyon at iba pa.
*Dapat bigyan ng pokus ang mga sumusunod na larangan ng akademik tulad ng: register ng wika, glosari sa iba’t ibang larangan ng akademik, mekaniks ng wika at ayon sa tema, istruktura at istilo ng pagkakasulat.
TEKSTONG AKADEMIK
Ito ay mga isinulat ng mga taong may kahusayan at kasanayan sa isang larangan na naglalayong mabasa at mapag-aralan ng iba ang mga impormasyong nakalahad dito.
TEKSTONG PROPESYONAL
Bahaging nangangailangan nang maayos at mapagganyak na simulain
Panimula: Paksa at Tesis
Ang bahaging ito ang pinakamahalagang bahagi. Ang istruktura at order ang pinakakalansay ng isang teksto
Katawan: Istruktura, Nilalaman at Order
Ito ang panghuling bahagi ng teksto. Tulad ng panimula, kailangan din itong makatawag ng pansin sapagkat ang pangunahing layunin nito ay ang pag-iwan ng isa o ilang mahahalagang kakintalan sa mga mambabasa.
Wakas: Paglalagom at Kongklusyon
Ito ay tinatawag ding “ekspositor”. Layon nitong magpaliwanag at magbigay ng impormasyon.
Tekstong Impormatibo
Mga halimbawa ng Tekstong Impormatibo
Bibliograpiya
Diksyunaryo
Encyclopedia
Almanac
Papel-Pananaliksik
Katangian ng tekstong impormatibo
1.MALINAW
2.TIYAK
3.MAY PAGKAKAUGNAY O COHERENCE
4.DIIN O EMPHASIS
Ang tekstong impormatibo ay may ilang tiyak na paksa?
Isa
Naglalaman ito ng impormasyong ginagamitan ng mga salitang pantukoy sa katangian ng isang tao, bagay, hayop, lugar, o pangyayari.
Tekstong Naglalarawan.
Mayaman ito sa mga salitang _______ o ______ ang mga tekstong deskriptibo. Nakatutulong kasi ito sa malinaw na pagtukoy sa mga katangian
Pang-uri o Pang-abay
Ito ay naglalayong magbigay ng paglalarawang detalyado at gumagamit ng mga eksaktong salita sa pagbibigay ng katangian
Deskripsyong Teknikal
Ito naman ay uri ng paglalarawan sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyong pangkalahatan at maraming tao o bagay ang nagtataglay ng ganoong katangian
Deskripsyong Karaniwan
Ito ay pagbibigay ng paglalarawan sa pamamagitan ng pansariling pananaw, opinyon, o saloobin sa isang tao. Ito ay karaniwang iba sa kaniyang kapuwa at hindi itinuturing na lubhang totoo dahil ito subhetibong pananaw lamang.
Deskripsyong Impresyonistiko
Mga layunin at kahalagahan ng tekstong deskriptibo
- Ito ay may isang malinaw at pangunahing impresyon.
- Ito ay maaaring maging subhetibo o obhetibo
- Ito ay espesipiko at maglaman ng kongkreting detalye.