Pag-Aanunsiyo Flashcards
Paraang ginagamit ng mga negosyante upang mahikayat ang mga mamimili na bumili at gumamit ng kanilang mga produkto at serbisyo.
Pag-Aanunsiyo
Pamamaraan na ginagamit sa pang-aakit sa mga konsyumer na bigyang pansih at bilhin ang mga produkto at serbisyo.
Pag-Aanunsiyo
Ano ang mga benebisyo ng pag-aanunsiyo? (7)
- Natutulangang mabili ang produkto hindi nabibili.
- Nakatitipid ng oras sa pagpili ng produktong bibilhin.
- Nakutulang sa mga kompanya na mas kumita nang malaki.
- Nakatutulong ito na bigyan impormasyon ang mga konsyumer.
- Mas maraming produktong mabibili sa mas murang presyo.
- Nakatutulong ito sa mga konsyumer na manood ng mga palabas sa telebisyon
- Nakatutulong ito sa mga charitable organization, educational institution, health care organization, etc.
Ano-ano ang mga uri ng pag-aanunsiyo?
Bandwagon, Testimonial, Brand Name, Fear
Sa pag-aanunsiyong ito, gumagamit ng maraming tao para ipakita sa lahat na maraming gumagamit ng nasabing produkto o serbisyo.
Bandwagon.
Sa pag-aanunsiyong ito, gumagamit ng mga kilalang personalidad na nanghihikayat sa mga tao na gumamit ng produktong kanilang ginagamit.
Testimonial.
Sa pag-aanunsiyong ito, hindi na gumagamit ng kahit na ano pang pakulo. Ang ipinakikilala na lang ay ang tatak ng produkto.
Brand Name.
Sa pag-aanunsyong ito, gumagamit ng kaunting pananakot sa hindi paggamit ng produkto o serbisyo.
Fear.
Ito ay tawag sa mga taong bumibili o gumagamit ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan at kagustuhan na nagbibigay sa kanila ng satispaksyon.
Mamimili.
Ibigay ang mga pamantayan na dapat tandaan at isapuso bilang isang mamimili. (10)
- Alamin ang badyet.
- Siguraduhin may listahan o tala.
- Suriing mabuti ang mga produktong bibilhin.
- Iwasang bumili ng “second hand”.
- Magtanong-tanong muna.
- May malaking pakinabang sa iyo bilang mamimili.
- Siguraduhing bumil sa mga tindahan na lehigimo o legal.
- Humingi ng resibo.
- Siguraduhin napapanahon ang produktong bibilhin upang mas makamura.
- Mahalagang malaman din kung saan at kung kailan ka mamimili.
- Iwasang bumili gamit ang credit cards.
Ano ang mga katangian ng isang matalinong mamimili?
Marunong magbudyet, may alternatibo, makatuwiran, mapanuri, hindi nagpapadala sa mga anunsiyo o advertisement
Ano-ano ang mga karapatan ng mamimili? (8)
- Karapatan na maging ligtas
- Karapatan na magkaroon ng mga pangunahing pangangailangan
- Karapatang pumili
- Karapatan sa tamang impormasyon
- Karapatang madinig at mabigyan ng bayad-pinsala
- Karapatang magkaroon ng edukasyon bilang konsyumer
- Karapatan sa isang maayos at malinis na kapaligiran
Ano-ano ang mga tungkulin ng mamimili? (7)
- Tungkuling maging mulat (malaman) sa mga karapatan
- Tungkuling humingi ng resibo
- Tungkuling bayaran ang biniling produkto at serbisyo
- Tungkuling maipagtanggol ang sarili kung may hinaing sa produkto at serbisyong nabili
- Tungkuling makibahagi sa mga samahang nagtatanggol sa karapatan ng bawat mamimili
- Tungkuling tangkilikin ang sariling produkto na ipinoprodyus ng bansa
- Tungkuling pangalagaan ang mga pinagkukunang-yaman
Ano-ano ang mga ahensiya ng pamahalaan? (9)
- Kagawaran ng Kalakalan at Industriya/Department of Trade and Industry
- Kagawaran ng Kalusugan/Department of Health
- Kagawaran ng Pagsasaka/Department of Agriculture
- Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal/Department of Interior and Local Government
- Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)
- Securities and Exchange Commision (SEC)
- Kagawaran ng Enerhiya/Department of Energy
- Lokal na Munisipyo
- Mass Media
Bilang isang mamimili, mahalagang malaman mo ang iyong badyet bago ka komonsumo.
Marunong magbadyet
Mahalaga sa isang mamimili na marunong siyang humanap ng pamalit kung sakaling wala ang kaniyang produkto at serbisyo na dati na niyang ginagamit.
May alternatibo
Ang mamimili ay bumibili ng mga produktong may kalidad at may warranty.
Makatuwiran.
Masusing tinitingnan ng mamimili ang mga impormasyong nakalagay sa etika o label ng mga produkto.
Mapanuri
Ang isang mamimili ay hindi basta-basta nagpapadala sa matatamis na pananalita ng nagtinda.
Hindi nagpapadala sa mga anunsiyo o advertisement
Bilang isang mamimili, karapatan mong malaman ang lahat ng impormasyon na may kinalaman sa iyong biniling produkto at serbisyo.
Karapatan na maging ligtas
Karapatan ng bawat mamimili na malaman kung sapat ang mga pangunahing bilihin upang matugunan ang kaniyang mga pangangailngan at kagustuhan.
Karapatan na magkaroon ng mga pangunahing pangangailangan
Karapatang pumili
Tumutukoy ito sa karapatang pumili ng produkto at serbisyo sa tamang presyo na may garantiya at kalidad.
Bilang isang mamimili, karapatan mong maprotektahan laban sa mga mapanlinlang at nakaliligaw na pag-aanunsiyo at pag-eetika at karapatan mo rin na mabigyan ng impormasyon at datos na kailangan para sa matalinong pagdedesisyon.
Karapatan sa tamang impormasyon
Tumutukoy sa karapatang maipahayag ang interes ng mga mamimili sa paggawa at pagsasakatuparan ng mga patakaran at batas ng pamahalaan.
Karapatan sa representasyon