MGA BATAS PARA SA PROTEKSIYON NG MGA MAMIMILI Flashcards
May pananagutan ang tagabili sa mga patunay na sasabihin niya o mga pangakong bibitawan niya o mga pangakong bibitawin niya hinggil sa isang produkto sa layuning mahikayat ang isang mamimili
Artikulo 1546 (Kodigo Sibil ng Pilipinas)
Kapag nagbili ng isang produkto, may kasamang garantiya ang pagbibili na ang nagbili ay siyang may-ari ng produkto.
Artikulo 1547 (Kodgo Sibil ng Pilipinas)
Ang mga tagagawa at tagaproseso ng mga pagkain, inumin, mga kagamitang pangkawatan, o katulad na produkto ay mananagot sa kamatayan o kapinsalaang malilikha ng mga nakalalasono nakasasakit na sustansiyang ginamit doon.
Artikulo 2187 (Kodigo Sibil ng Pilipinas)
Parusahan ang sino mang maglalagay ng maling etika (labeling) at pagpapakete (packaging)
Artikulo 187 (Binagong Kodigo Penal)
Parusahan ang sino mang maglalagay ng maling karat ng ginto o pilak o iba pang mamahaling metal.
Artikulo 188, 189 (Binagong Sibil Penal)
Ipinagbabawal ang pag-aanunsiyo o pagdidispley ng mga huwad na produkto o serbisyo.
Batas Republika 3740
Inaatasan ang mga nagtutungi na kabitan ng price tag ang kanilang paninda.
Batas sa Price Tag
Metriko ang gagamiting sistema ng pagsukay at pagtimbang sa Pilipinas
Kautisang Pampanguluhan Blg. 187
Ipinagbabawal kung walang nakasulat na pahintulot ng tagagawa na gamitin sa ipa pang layunin bukod sa nakarehistro ang mga lalagyan, bote, dram, bariles, o tangke ng isang kalakal.
Batas Republika 623
Pagpaparehistro ng mga kompanyang nagbibili ng mga pagkain ng manok, baboy, at isda
Batas Republika 1556
Pagtatag ng National Grains Authority upang mamili ng mga palay at mais mula sa mha magsasaka t ipagbili sa mga mamimili ang mga ito sa murang halaga.
Batas Republika 3452
Ipinagbabawal ang pagbibili ng mga regulated na gamot na walang reseta ng doktor.
Batas Republika 4729
May pananagutan ang mga nagbibili o nagtitinda ng gamot at lason na sira ang mga selyo ng lalagyan.
Batas Republika 5921
Ang mga nagbibili, tagagawa, o umaangkay ng mga galbanisadon yero ay kailangang markahan nang malinaw ang yero tungkot sa kapal, zinc coating, tagagawa, at tirahan mo.
Batas Republika 3595
Ipinagbabawal ang pagtitinda ng acetic acod sa ano mang anyo nito sa mga groserya at tindahang sarisari.
Batas Republika 1929