other terms in in m5 Flashcards
ay tumutukoy sa kita na kailangan upang matustusan ang mga pangangailangan ng pamilyamg may limang kasapi
poverty line
Ito ay itinatakda ng pamahalaan upang mabatid kung ilang porsiyento ng pamilyang Pilipino ang namumuhay sa kahirapan at ito ay ipinakikita ng
poverty incidence
ay nagpapakita ng porsiyento ng mga Pilipino na hindi makatugon sa pangangailangan tulad ng pagkain dahil sa mababang kita na tinatanggap
poverty incidence
” 4Ps
Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
Uri ng Pamantayan ng Pamumuhay (klasipikasyon ng Standard of Living):
Pamantayan ng karalitaan(Poverty Standard), Pamantayan ng Pagkabuhay(Bare Living Standard), Pamantayan ng Kalusugan at Disenteng Pamumuhay( Health and Decency Standard), Pamantayan ng Maginhawang Pamumuhay(Comfort Standard), Pamantayan ng Karangyaan(Luxury Standard )
Nabibilang dito ang mga taong walang kakayahang matustusan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan.Sila ay umaasa na lamang sa limos o donasyon na ibinibigay mula sa iba’t ibang institusyon upang matugunan ang kanilang pangangailangan sa araw-araw.Itinuturing ang mga taong ito na dukha.Ang mga pulubi,inabandonang mga bata at matatanda,at mga taong grasa ay kabilang sa klasipikasyong ito.
Pamantayan ng karalitaan(Poverty Standard)
Ang kinikita ng mga tao na kabilang sa pamantayang ito ay sapat lamang upang matugunan ang kanilang pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain,damit at tirahan.Lubhang napakahirap ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga tao na kabilang dito.Sinasabing’” isang kahig,isang tuka”ang kanilang pamumuhay.
Pamantayan ng Pagkabuhay(Bare Living Standard)
May sapat na kitang tinatanggap ang mga taong kabilang dito upang magkaroon ng kakayahang makapamili ng mga uri ng produkto na nais gamitin.Sa ganitong pamantayan,Masasabi na ang tao ay namumuhay ng may dignidad at nasusunod nila ang mga bagay na kanilang magustuha
Pamantayan ng Kalusugan at Disenteng Pamumuhay( Health and Decency Standard)
Komportable ang pamumuhay ng mga tao na kabilang dito.Labis ang kanilang kitang tinatanggap para matugunan ang kanilang pangangailangan at kagustuhan.Kaya may kakayahan sila na mag-impok ng malaking bahagi ng kanilang kita.Hindi sila nangangamba at nag-aalala kung paano matutugunan ang dumaraming pangangailangan at kagustuhan.Ibig sabihin,”secure at worry free” ang kanilang pamumuhay.
Pamantayan ng Maginhawang Pamumuhay(Comfort Standard)
Dito nabibilang ang pamumuhay ng mga tinatawag na” rich and famous”na tao.Ngunit,maliit na porsiyento ng mga mamamayang Pilipino ang kabilang sa pamantayang ito.Walang limitasyon ang dami ng produkto na maaari nilang bilhin upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan.Hindi rin hadlang ang presyo upang limitahan ang kanilang pagkonsumo.
Pamantayan ng Karangyaan(Luxury Standard )
mga taong bumibili at gumagamit ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang kanilang pangangailangan at magtamo ng kasiyahan.
konsumer o mamimili
Mga Katangian ng Matalinong Mamimili:
1.Mapanuri, Makatwiran, May Alternatibo, Hindi nagpa-panic buying, Hindi nagpapadala sa anunsiyo, Hindi nagpapadaya, Sumusunod sa badget
panahon kung hanggang kailan pwedeng ikonsulmo ang produkto
expiration date
Bago bilhin ang isang produkto, matiyagang sinusuri ang lahat ng bahagi ng produktong bibilhin.tinitingnan ang presyo,sangkap,timbang,pagkakagawa(,expiration date ang panahon kung hanggang kailan pwedeng ikonsulmo ang produkto )kung may pagkakataon pa,inihahambing ang mga produkto sa isa’t isa upang makapagdesisyon ng mas mabuti at mapili ang produktong sulit sa ibabayad.
Mapanuri
Mahalaga ang bawat sentimo ng ating pera,kaya sinisiguro ng bawat mamimili na kapaki-pakinabang ang mga binibiling produkto.Masusing tinitingnan ang kalidad at presyo ng bawat produkto dahil sa limitado ang budget sa pamimili.Iniisip din ang kasiyahan na matatamo sa pagpili at pagbili ng produkto.
Makatwiran
Ang kakulangan ng supply ng produkto ay nararanasan sa pamilihan,kaya minsan ang dating binibili produkto ay hindi mabibili.May mga panahon na walang sapat na pera ang mamimili upang bilhin ang produktong dati nang binibili o kaya ay nagbago na ang kalidad ng produktong dati ng binibili.Sa ganitong sitwasyon ang matalinong mamimili ay kailangang marunong humanap ng alternatibong produkto na makatutugon din sa pangangailangan.Tulad halimbawa,kung ang dating binibiling isda sa pamilihan ay kulang ang supply sa pamilihan ay hahanap ka ng kapalit nito.
May Alternatibo
Ang matalinong mamimili ay hindi nababagabag sa artipisyal na kakulangan ng mga produkto sa pamilihan.Alam niya ang ganitong sitwasyon ay pansamantala lamang na umiiral .
Hindi nagpa-panic buying
Ang pag-eendorso ng produkto ng mga artista ay hindi nakapagpapabago sa pagkonsumo ng isang matalinong konsyumer.Ang kalidad ng produkto ang tinitingnan at hindi ang paraan ng anunsyo na ginamit.
Hindi nagpapadala sa anunsiyo
Ang matalinong mamimili ay laging alerto,aktibo, mapagmasid at handang labanan ang mga maling gawain ng mga negosyant at nagtitinda lalo na sa pgsusukli at paggamit ng timbangan.
Hindi nagpapadaya
Bumibili ang mamimili ng ayon sa kanyang kakayahan,kaya gustong-gusto nila ang pagkakaroon ng mga sale,buy-one,take-one promo,at hanggang maaari ay iniiwasan ng mamimili ang magutang upang ipambili ng mga produktong hindi kailangan.
Sumusunod sa badget