factors that affect consuming Flashcards
Ang pag-aanunsyo ay pagbibigay ng impormasyon upang hikayatin ang mga tao na tangkilikin ang isang produkto at serbisyo.Sa pamamagitan ng magagandang salita na ginagamit sa pag-aanunsyo ay nakukuha ang attensyon at interes ng tao na bilhin ang isang produkto at serbisyo
Pag-aanunsyo
Mga uri ng Pag-aanunsyo:
bandwagon, testimonial, brandname
Ang tao na nagpapahalaga sa pagtitipid ay nagtitimbang muna ng mga bagay bago ito bilhin.Higit na prayoridad ang pagbili sa mga pangunahing pangangailangan kaysa sa mga luho.Sinisigurado niya na magiging kapaki-pakinabang ang mga produktong bibilhin ng perang pinagpaguran.
Pagpapahalaga ng Tao
Sinasabing ang mga Pilipino ay great imitators.Mahilig tayong bumili ng mga produkto na nakikita natin sa iba.Nadaragdagan ang ating kinukonsumong produkto at serbisyo dahil sa salik na ito.
Panggagaya ( Imitation
Malaki ang impluwensya ng kita sa ating pagkonsumo.Batay sa Law of Consumption ni Ernst Engel,isang ekonomistang Aleman,malaking porsyento ng kita ng tao ang inilalaan sa pagkonsumo ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain
.Kita
Madalas na ang mga tao ay nagbibigay ng regalo o di kaya ay naghahanda tuwing may okasyon na magaganap tulad ng kaarawan,Araw ng Pagtatapos,Bagong Taon ,at iba pa.Ang mga ganitong pagdiriwang ay nakaaapekto sa pagkonsumo ng mga tao.Dumarami ang mga produktong binibili ng mga tao kapag dumarating ang mga nasabing okasyon.
Okasyon
Ang presyo ng produkto ang salik na naglilimita at makadaragdag sa pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo.Ang pag alam sa presyo o halaga na katumbas ng presyo o serbisyo ay mahalaga upang mabatid kung kaya ng isang tao na bilhin ang isang produkto
Presyo
Ang pagkonsumo ay naiimpluwensyahan ng panahon dahil nag-iiba ang kinukonsumong produkto kapag nagbabago ng panahon.kung tag-init mas gusto nating kumain ng Halo-halo at ice cream at magsuot ng mga maninipis na damit.Kung taglamig/tag-ulan naman mas gusto nating kumain ng lugaw o mami at magsuot ng medyo makakapal na dami
Panahon
Mga Uri ng Pagkonsumo:
tuwiran, produktibo, maaksaya, mapanganib, lantad
ang indibidwal ay nagtatamo agad ng kasiyahan sa pagbili at paggamit ng produkto at serbisyo.Halimbawa,kapag kumain ka ng pandesal upang tugunan ang iyong pagkagutom,at matapos ito napawi ang iyong pagkagutom.ang pagkapawi ng ating gutom ay isang pagtugon sa ating pangangailangan na nakapagdulot ng kasiyahan
Tuwiran
ang pagbili ng produkto upang makalikha pa ng iba pang produkto tulad halimbawa ,ang pagbili mo ng tela upang makagawa ng damit
Produktibo
ang pagbili at paggamit ng produkto na hindi tumutugon sa pangangailangan ng tao.at hindi nagdudulot ng kasiyahan sa kanya. Maaaring ang ginawang pagbili ay bunga ng mga salik ng nakaimpluwensya sa ating pagkonsumo tulad halimbawa ng pagbubukas ng ilaw kahit maliwanag.
Maaksaya
ang pagbili at paggamit ng produkto na nakapipinsala sa kalusugan at perwisyo sa tao tulad ng sigarilyo at bawal na gamot.Kahit nagdudulot ito ng kasiyahan sa gumagamit subalit nagsisilbing banta ito sa kalusugan ng tao.
Mapanganib
ay ang uri ng pagkonsumo na ginagamit lamang ang produkto o serbisyo kapag nasa harap ng ibang tao.
Lantad
Mga Batas ng Pagkonsumo:
batas ng pagkakaiba (law of variety), batas ng imitasyon (law of imitation), batas ng pagkakabagay-bagay (law of harmony), batas ng pagpapasyang pang-ekonomiko (law of economic order), batas ng bumababang kasiyahan (law of dimishing marginal utility)