Old Talaisipan Flashcards
Bukod sa Bikol, Ilokano, Hiligaynon, Pampango, Pangsinan, Sebwano at Tagalog, ano pang wika ang kabilang sa tradisyonal na tinatawag na walong pangunahing wika ng bansa, ayon sa Komisyon ng Wikang Filipino?
Waray
Alinsunod sa Konstitusyong 1987 ng bansa, ano-ano ang wikang opisyal ng Pilipinas?
Filipino at English
maragsa
kaliwa
alanganing “oo” o “indefinite yes”?
baka
Salitang kasingkahulugan ng lagaklak na tumutukoy sa tunog ng likido na ibinubuhos mula sa bote o anumang sisidlan na may makitid na leeg.
kalabusab
mabilis na pagtatambol
kalabukob
ahas-tubig
kalabukab
tunog ng pagbagsak ng mabigat na bagay.
kalabog
Ang mga linyang “Kung di tayo kikibo, sino ang kikibo? Kung di tayo kikilos, sino ang kikilos? Kung hindi ngayon, kailan pa?” na panawagan sa pagkilos laban sa diktadurang Marcos ay orihinal ni Abraham Sarmiento Jr., patnugot ng Philippine Collegian, opisya; na pahayagang pang-estudyante ng University of the Philippines. Ginamit rin ito sa premyadong pelikulang ipinalabas noong 1984?
Sister Stella L
Kumpletuhin ang huling estropa ng awiting “Speak in English Zone” ni Joel Costa Malabanan. “Ang bayan ko ay Speak in English Zone/Alipin kami noon hanggang ngayon/Ang pagbabago ang tanging solusyon/Durugin ang _______________________________ edukasyon!”
kolonyal na
Anong uri ng tayutay ang nasa unang bahagi ng huling saknong ng tulang Ang Guryon ni Idlefonso Santos: Ang buhay ay guryon; marupok, malikot, dagti’t dumagit, saanman sumuot/O, Paliparin mo’t ihalik sa Diyos/Bago pa tuluyang sa lupa’y sumubsob!
Pagwawangis
Sa monumento ni Andres Bonifacio sa Monument, Caloocan, ano o kaninong pigura ang makikita sa bahaging likuran ng monumento?
Gomburza
Ano ang pamagat ng pinta ni Joey Velasco na maituturing na Pilipino at modernisadong bersyon ng Last Supper.
Hapag ng Pag-asa
Lente na may pinakamalapad na anggulo ngunit napakalaki ang kuha; pwedeng makakuha ng malapad na anggulo ng tanawin kahit sa maliit na lugar ngunit sinisira nito ang imahen lalo na ang mga gilid sa palibot ng telon.
Fish-eye lens
Sa programang Aksyong sa Tanghali ng TV5, sina Raffy Tulfo at Renz Ongkiko ay kapwa karaniwang nasa studio at nagbabasa ng balita para sa live broadcast. Anong espisipikong termino ang akmang pantukoy sa kanila?
anchor
- Obra maestra ni Lino Brocka na tumatalakay sa pagpapatuloy ng mala-Batas Militar na pang-aabuso sa karapatang pantao, maging sa panahong pagkatapos ng Edsa I. Gumamit ito ng mga simbolong relihiyoso upang ipakita ang tunggalian ng mabuti at masama sa lipunang Pilipino.
Orapronobis
Programang pambata sa telebisyon na kinikilala dahil sa pagtataguyod nito ng mga positibong pagpapahalaga sa pamamagitan ng salaysay na halaw sa ating mga mito at kwentong bayan.
Hiraya Manawari
Noong 2015, naging kontrobersyal ang pahayag na ito ng dating Pangulong Noynoy Aquino sa ilang biktima ng bagyong Yolanda sa Visayas. (A&B – Mamasapano)
“Eh buhay ka pa naman di ba?”
Ayon sa sanaysay na “Pansit Liglog ng Aking Ina” ni Aurora E. Batnag, ang pangunahing pampalasa sa palabok ay dinikdik na balat ng hipon o kaya’y _____________.
Alimasag
Sa sanaysay na “Sago’t Gulaman, Para sa Bayan” ni David San Juan, ano ang sinasabing kolokyal na termino para sa inuming sago’t gulaman.
Samalamig
Sa sinaunang mitolohiya ng ating arkipelago, tawag sa dambuhalang ahas o dragon na iniuugnay sa eklipse sapagkat may kakayahan daw itong lumamon ng buwan.
Bakunawa
Ifugao – tagausal ng panalangin
Mumbaki
higanteng ibon – Indarapatra at Sulayman
Garuda
Kauna-unahang orihinal na dulang tungkol sa homosekswalidad na itinanghal sa Pilipinas noong 1974. Kasama sa cast ng empatikong dulang ito si Lino Brocka at Bembol Roco.
Hanggang Dito na Lamang at Maraming Salamat
Sa Hilagang Luzon, ito ang tawag sa mga kasunduang pangkapayapaan sa pagitang ng mga nag-aalitang pangkat.
Bodong
kapayapaan sa Ilocano
Kappia
Sino ang tinutukoy sa saknong na ito mula sa tulang Bolada ng Paglansag sa Base Militar na binigkas ni Bienvenido Lumbera sa harapan ng Senado noong ika-16 ng Setyembre 1991: Sa Edsa’y sagisag ng bagong pag-asa/inakalang sadyang Santa Milagrosa/Yun pala’y senyorang utak-asendera/Nagsantapasistang kaaway ng masa.
Corazon C. Aquino
Sa ilalim ng administrasyong Duterte ay naging popular na bagong salita ang “tokhang” na pinagsamang dalawang salitang Cebuano. Ang unang salitang “toktok” na nangangahulugang “katok” at ang pangalawa naman ay “hangdap” na nangangahulugang ano?
pakiusap
Ayon sa aklat na Nationalist Economics ni Alejandro Lichauco, kailangan ng Pilipinas na isabalikat ang proseso ng industriyalisasyon para umunlad ito. Isang halimbawa ang pagtatayo ng mga pabrika para sa mga produktong kinokunsumo ng mga tao gaya ng tsokolate. Alin sa mga sumusunod na brand ng tsokolate ang umiiral pa rin hanggang ngayon ngunit hindi na pag-aari ng mga Pilipino.
Goya
Alinsunod sa curriculum guide na inilabas ng Department of Education noong 2016, sa ilalim ng K to 12, ano ang pinapaksa ng Araling Panlipunan sa Grade 7?
Araling Asyano
Konseptong dinebelop ni Dr. Elizabeth Morales-Nuncio para pag-aralan ang mga mall at pagkakahati-hati ng mga uring panlipunang kaugnay nit. Ito’y mahalagang ambag sa pag-aaral ng espasyo at sistemang panlipunan sa bansa
Bakod, Bukod, Buklod
Sa larangan ng wika. Ang wikang pantulong o auxilliary language ay wikang ginagamit para sa higit na pagkakaintindihan ng dalawa o mahigit pang nag-uusap. Sa edukasyon, tumutukoy ito sa wikang higit na alam ng mga mag-aral sa loob ng klase kaysa opisyal na wikang panturo kaya maaaaring gamitin ng guro upang higit siyang maunawaan ng kaniyang mga tinuturuan. Ayon sa Komisyon ng Wikang Filipino, ano ang wikang pantulong sa Marawi?
Meranaw
Sa larangan ng midya. Pamagat ng editoryal na lumabas sa pahayagang El Renacimiento noong Oktubre 30, 1908. Matinding tinuligsa sa editoryal ang isang mataas na pinuno ng pamahalaang kolonyal ng Amerika sa Pilipinas, dahil ginalugad diumano ng mga imperyalistang Amerikano ang kabundukan ng Benguet, Mindanao at Mindoro upang tuklasin ang yamang likas ng bansa para sa pansariling pakinabang.
Aves de Rapiña (nangangahulugang Mga Ibong Mandaragit)
Sa Larangan ng sining. Ano ang pamagat ng opisyal na theme song ng pelikulang historikal na Heneral Luna, na inawit ni Ebe Dancel?
Hanggang Wala Nang Bukas
Sa Larangan ng Kultura. Ang mga Pilipino ay sinasabing nakikibagay sa ibang tao at ___________________ naman sa hindi ibang tao.
naninindigan
Sa Larangan ng Sining. Anong nobela ang sinasabing lohikal na karugtong ng El Filibusterismo sapagkat tungkol ito sa paano naiahon sa dagat ang baul ng yaman ni Simoun, para gamitin sa pagpapabuti ng kalagayan ng bansa at paglutas ng mga kanser ng lipunan.
Mga Ibong Mandaragit (Amado V. Hernandez)
Sa Larangan ng Midya. Sa pagsulat ng lathalain, anong uri ng entrada o lead ang kagaya ng sumusunod. Pulubi sa harapan ng simbahan. Plakard at kamao sa gitna ng daan. Hampas ng batuta at alingasaw ng tear gas. Kahirapan. Protesta. Panunupil.. Tila baga dekada 70 na naman sa minamahal nating bayan..
staccato
Sa Larangan ng Lipunan. Isa sa mga pinakamaikli at pinakapopular na tula sa panahon ng Batas Militar ang Kung Ang Tula Ay Isa Lamang ni Jesus Manuel Santiago. Ano ang pangunahing mensahe ng nasabing tula?
kahalagahan ng pakikisangkot-panlipunan ng mga makata
Sa larangan ng kultura. Instrumentong kilala rin sa pangalang blowon, bua, at sembakung. Binubuo ito ng isang pares na nakasabit na gong. Ito ay may bilog na umbok sa gitnang bahagi at may malapad na papaloob na tagiliran. Karaniwang makikita ito sa katimugang bahagi ng bansa.
agung
Sa larangan ng Midya. Bago ang show na “PERA O BAYONG”, unang namayagpag sa telebisyon ng Pilipinas ang game show na “KWARTA o ___________” na may magkatulad na mekaniks.
kahon
Tawag sa anumang bagay na pinaniniwalaang nagtataglay ng kapangyarihang nakapagbibigay ng pambihirang lakas at iba pang kakayahang higit na taglay ng karaniwang tao. Tinatawag din “alipugpog” sa Iloko, “dagon” sa Sebwano at “galing” sa Iloko, Kapampangan at Pangasinan.
AGIMAT
- Pelikulang unang ipinalabas noong 2016 na pinuri ng mga kritiko dahil sa pagtalakay sa pagsasamantala ng mga kapitalista sa mga small-scale miner sa isang isla sa Bicol, ngunit tinuligsa naman ng ilang pangkat dahil sa diumano’y pagpatay sa dalawang aso para sa isang eksena.
ORO
Kung malakas na tawa ay halakhak, ano naman ang malakas na iyak?
HAGULGOL
Tanging variety show sa Pilipinas na matagumpay na naeksport sa isa pang bansa sa Timog-Silangang Asya sa ilang taon. May 39 na taon na itong umeere sa iba’t ibang estasyon.
(EAT BULAGA!)
Isang kundimang nilikga noong taong 1928 ni Constancio de Guzman batay sa titik ni Jose Corazon de Jesus. Orihinal na mensahe nito ang pagtuligsa sa pananakop ng Amerika sa Pilipinas, ngunit naging tampok din na awit sa mga kilos-protesta sa pagpapabagsak sa diktadurang Marcos.
(BAYAN KO)
Samahang itinatag noong 2014 para sa tutulan ang pagpaslang sa asignaturang Filipino at Panitikan sa Kolehiyo. Nagsampa ito ng kaso sa Korte Suprema laban sa CHED Memo No. 30 S, 2013, at nagtagumpay na maipahinto ang tangkang pagpaslang sa mga nasabing asignatura. Ano ang pinaikling pangalan ng samahang ito?
(PSSLF)
- Tawag sa simoy mula sa hilaga o hilagang-silangan na nagmumula ito sa bahaging Siberia at Tsina. Nagdudulot ito ng katamtamang temperatura, minsa’y may dalang ulan ngunit madalas ay wala. Nagsisimula ito tuwing Setyembre o Oktubre at nagtatapos ng Mayo o Hunyo subalit maaaaring magbago depende sa kondisyon ng panahon bawat taon. Tinatawag itong aguy-oy o balas ng mga Tagalog at Kapampangan, at amyan ng mga Ilokano, Maranaw at Pangasinense.
(AMIHAN)
- Malawak na lupain na karaniwang pag-aari ng mga taong nakaaangat sa lipunan at ginagamit bilang plantasyon, na nagsimulang mapasakanila sa panahon ng kolonyalismo. Karaniwang inirereklamo ng mga magsasaka ang mapagsamantalang palakad sa mga dambuhalang parsela na ito ng lupain.
(HACIENDA)
- Ang bugtong ay isa sa pinakamaikling tula sa bansa. Karaniwang binubuo ito ng dalawang maikling taludtod at may tugma. Sagutin ang bugtong na ito sa Bikol: “Si tubig kan langit/Si langit kan unit.” (Tubig na binalot ng langit/langit na binalot ng balat) –
(NIYOG)
- Itinanghal na Salita ng Taon 2014 ng Filipinas Institute of Translation, na terminong pantukoy sa mga manggagawang kontraktwal.
(ENDO)