Nobela at Panunuring Feminismo Flashcards
Sa anong petsa ipinagdiriwang ang pandaigdigang Araw ng Kababaihan?
Marso 8
Sa anong taon nagmartsa ang tinatayang labinlimang libong kababaihan sa Lungsod New York sa Estados Unidos upang igiit ang kanilang karapatang sibil?
1908
Siya ang nagtaguyod ng karapatan ng mga kababaihan.
Gabriela Silang
Ano ang ibig-sabihin ng GABRIELA?
General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality, Leadership, and Action
Siya ang nagpasimula ng People Power at ang kauna-unahang babaeng naging pangulo. Siya rin ay tinaguring Ina ng Demokrasya.
Corazon C. Aquino
Siya ang isa sa mga pangunahing tagapagpaganap ng GABRIELA.
Liza Maza
Siya ay kilala bilang Tandang Sora.
Melchora Aquino
Siya ang nagtatag ng Girl Scouts Philippines.
Josefa Llanes Escoda
Ito ang tawag sa serye ng mga pangyayaring bumubuo ng isang mahabang prosa.
Nobela
Ito ay isang tuluyang teksto na walang natatanging anyo o ritmo.
Prosa
TAMA O MALI
Ang Nobela ay itinuturing na totoo at nakabatay sa realidad.
MALI; Bagama’t karaniwang nakabatay sa realidad, ito ay itinuturing pa rin bilang isang likhang-isip o fiction.
TAMA O MALI
Laging may impluwensiya ang paligid, direkta man o hindi, sa kung ano ang lalamanin ng isang nobela sa isang partikular na panahon.
TAMA
Ito ay ang nobelang hinggil sa hindi pantay na pagtrato ng mga paring Espanyol sa mga Pilipino.
La Loba Negra ni Padre Jose Burgos
Ito ang dalawang akda ni Dr. Jose RIzal na sinasabing nag-udyok ng rebolusyonaryong damdamin laban sa pamahalaang Espanya.
Noli Me Tangere at El Filibusterismo
Ito ang kauna-unahang nobela sa Pilipinas na naisulat sa Wikang Ingles na kinakikitaan din ng impluwensiya ng kulturang Kanluran.
A Child of Sorrow ni Zoilo Galang