Maikling Kuwento / Denotatibo at Konotatibo Flashcards
Ito ang tawag sa anyo ng panitikan na naratibong pagsasalaysay ng tungkol sa pangyayaring sangkot ang isa o higit pang mga tauhan.
Maikling Kuwento
Ito ay isa sa mga pinakakilalang halimbawa ng estruktura ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o ang banghay ng kuwento.
Piramide ni Gustav Freytag
Siya ay isang Aleman na mandudula at nobelista na may halimbawa ng bahagi ng banghay.
Gustav Freytag
Ano-ano ang mga bahagi ng banghay batay kay Gustav Freytag?
Eksposisyon (Exposition), Pasidhing Pangyayari (Rising Action), Kasukdulan (Climax), Kakalasan (Falling Action), at Wakas (Denouement)
Ito ay bahagi ng banghay na hudyat ng panimulang pangyayari sa kuwento at pagpapakilala sa mga tauhan.
Exposisyon (Exposition)
Ito ay bahagi ng banghay na naglalahad ng suliranin ng naratibo.
Pasidhing Pangyayari (Rising Action)
Ito ay bahagi ng banghay na pinakainteresanteng ganap sa tauhan ng isang akda. Ito rin ay ang bahagi na naglalaman ng pinakamataas na emosyon.
Kasukdulan (Climax)
Ito ay bahagi ng banghay kung saan nagsisimula namang malutas ang suliranin.
Kakalasan (Falling Action)
Ito ay bahagi ng banghay na naglalahad ng pagtatagumpay o pagkabigo ng pangunahing karakter nito.
Wakas (Denouement)
Siya ay isang premyadong manunulat na may akda ng “Ang Bahay na Yari sa Teak”. Siya rin ay isa sa mga pinakakilalang manunulat sa Indonesia.
Mochtar Lubis
Sa Maikling Kuwento, siya ang itinuturing na lurah ng kanilang baryo, o ang kinikilalang pinuno ng kanilang lugar.
Pak Kasim
Ito ay itinuturing bilang isa sa mga pinakamahal na uri ng kahoy na ginagamit sa pagpapatayo ng mga gusali, maging ng bahay.
Teak / Kahoy na Teak
Saan ang tagpuan ng akdang “Ang Bahay na Yari sa Teak”?
Jakarta, Indonesia
Ano ang ipinarangal kay Mochtar Lubis noong 1958?
Gawad Ramon Magsaysay
Pangunahing layunin nito ang palayain ang mga manggagawa mula sa sa tanikala ng pang-aapi dulot ng sobrang pag-aari ng kapital sa produksiyon ng mga naghaharing uri sa lipunan.
Panunuring Marxismo