Mullah Nassreddin + Komiks Flashcards
Sila ay may mga mahahalagang papel sa pagbuo ng lipunan ng mga Muslim sa pamamagitan ng kanilang gawaing misyonaryo at pangedukasyon.
Sufis
Pinaniniwalaan na ang sinilangang-bayan ni Mullah Nassreddin ay matatagpuan ngayon sa bansa ng ___.
Turkey
Ito ay isang kuwentong nakawiwili at nakatutuwang pangyayari sa buhay ng isang tao.
Anekdota
Ang binibigyang-diin nito ay ang pagpapaunlad ng bawat isa sa pamamagitan ng kanilang mga pandama at hindi ang pagpapahalaga sa oras, pera o maging karangalan
Sufism
Ito ay isang grapikong midyum na gumagamit ng mga salita at larawan upang ihatid ang isang salaysay o kuwento.
Komiks
Sa bahaging ito nagaganap o nailalahad ang problema sa kuwento.
Kasukdulan
Ano ang Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagbuo ng Komik-Istrip?
- Alamin ang sariling hilig o ISTILO.
- Tukuyin ang pangunahing TAUHAN.
- Tukuyin ang TAGPUAN.
- Tukuyin ang BALANGKAS ng kuwento.
- Ipokus ang atensyon sa DIYALOGO AT DALOY ng kuwento.
- Ayusin at PAGANDAHIN ang gawa.
Ano ang Mga Hakbang sa Pagsulat ng Anekdota?
- Alamin ang paksa o layunin sa paggagamitan ng personal na anekdota. (Piliin ang pangyayari sa iyong buhay na angkop sa paksa at layunin. Dapat ay makatotohanan at may isang paksa.)
- Alalahanin ang mga detalye sa pangyayaring ilalahad mo sa iyong anekdota.
- Sa paglalahad ng iyong anekdota ay huwag munang sasabihin ang kasukdulan upang hindi mawala ang pananabik ng mga mambabasa.
- Sa pagwawakas ay dapat isaalang-alang ang kakintalang maiiwan sa mga mambabasa.
Ito ay naglalaman ng isang tagpo sa kuwento (frame).
Kuwadro
Tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.
Banghay
Ito ay isang DISKURSO na naglalatag ng mga karanasang magkakaugnay
Pagsasalaysay
Dito ginagamit ng nagsasalita ang mga uri ng komunikasyon na berbal at hindi berbal upang maihatid nang MAS MALINAW at mas maayos ang mensaheng nais ipahayag
Strategic
Ano ang mga elemento ng kuwento?
- Banghay
- Panimula
- Saglit na Kasiglahan
- Suliranin
- Tunggalian
- Kasukdulan
- Kakalasan
- Wakas
Ito ang tamang paggamit ng BALARILA sa pangungusap katulad ng wastong pagbigkas at pagbaybay ng mga salita.
Gramatikal
Sa bahaging ito unti-unti nang nasosolusyonan ang problema sa kuwento.
Kakalasan
Ano ang anekdotang isinulat ni Consolation P. Conde?
Akasya o Kalabasa
Siya ay kilala sa tunay na pangalang Nasreddin Hodja, isang pilosopo noong ika-13 siglo.
Mullah Nassreddin
Ito ang paggamit ng wikang binibigkas at sinusulat upang makalikha ng MAKABULUHAN at maayos na pagpapahayag.
Diskorsal
May iba’t ibang ANYO ito batay sa inilalarawan ng dibuhista/tagaguhit.
Lobo ng Usapan
Ito ay maaaring tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, o tao laban sa kalikasan.
Tunggalian
Ano ang mga bahagi ng komiks?
- Kuwadro
- Kahon ng Salaysay
- Pamagat ng Kuwento
- Larawang Guhit ng mga tao sa kuwento
- Lobo ng Usapan
Layon nitong makapagpabatid ng isang magandang karanasan na kapupulutan ng aral. Ito’y magagawa lamang kung ang karanasan o
mga pangyayari ay makatotohanan.
Anekdota
Tumutukoy sa panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan sa kuwento.
Saglit na Kasiglahan
Ayon kay William Chittick, ito ay maaaring inilarawan bilang pagsasaling-wika at pagpapalakas ng pananampalataya at kasanayan sa Islam.
Sufism
Ito ay pinagsusulatan ng maikling salaysay.
Kahon ng Salaysay
Ito ay pinagsusulatan ng usapan ng mga tauhan.
Lobo ng Usapan