Modyul 7 Flashcards
Ano ang baryasyon?
Pagkakaiba-iba.
Ano ang nasa ilalim na kategorya ng baryasyonsa wika?
Tunog, Salita, Pangungusap, Kahulugan.
Ano ang dalawang aspekto kung bakit nagkakaiba-iba ang wika sa isang bansa?
Aspektong Heograpiko, Aspektong Sosyal.
Ito ang impluwensiya ng pisikal na kapaligiran.
Aspektong Heograpiko.
ps. pisikal na lugar na kinaroroonan ng tao. Uri ng pamayanang nabuo nila. - Yule 2010
Ano ang aspektong sosyal?
Personal na pinagmulan ng tao.
ps. Ayon kay Yule 2010, ito ay impluwensya ng lipunan o ng interaksyon ng mga taong may iba-ibang edad, kasarian, kultura, propesyon, katayuan at iba pa.
Ano ang punto?
Baryasyon ng wika dahil sa aspektong heograpiko. Natatanging paraan ng pagbigkas ng tao. ‘Bawat tao ay may punto.’ - Yule 2010
Ito ay barayti ng wika na nagdudulot ng bahagyang kaibahan sa pagbigkas, gramatika, at bokabularyo.
Diyalekto.
Ano ano ang baryasyon ng wika dahil sa aspektong heograpiko?
Punto, Diyalekto.
Ano ang solusyon sa pagkakaiba-iba ng wika?
Estandardisadong Wika.
Ito ay pagtuturo ng pare-parehong pagbigkas, pagbuo ng salita, pagbuo ng pangungusap at pagpapakahulugan sa isang wika upang maging uniporme ang paggamit nito at mas madaling maintindihan.
Estandardisadong Wika.
Ano ano ang baryasyon ng wika dahil sa impluwensiyang sosyal?
Idyolek, Sosyolek, Estilo ng pananalita, Rehistro, Jargon, Balbal.
Ito ang natatanging paraan ng pagsasalita/pagsulat ng tao na nagsisilbing pagkakilanlan. Paraan ng pagsasalita ng tao na personal of ekslusibo.
Idyolek o Individual Dialect.
Ito ang natatanging wikang gamit sa tiyak na konteksto.
Rehistro.
Ano ang Balbal?
Wikang kalye na gamit sa pangkaraniwang pag-uusap.
Ang ____ ay teknikal na bokabularyong gamit sa isang larangan. Paraan ng mga tagaloob upang makilala at makipag-uganayan sa isa’t- isa at mahiwalay ang di bilang sa kanila.
Jargon.