Modyul 5 Flashcards
Ano ang mga pangunahing wikain sa Pilipinas?
Kapampangan, Bicol, Hiligaynon, Tagalog, Pangasinense, Cebuano, Ilocano, Waray.
Ito ay wikang magiging daan ng pagkakaisa at pag-unlad bilang SIMBOLO ng KAUNLARAN ng bansa.
Wikang Pambansa.
Kinikilalang midyum ng pangkalahatang komunikasyon sa isang bansa.
Wikang pambansa.
Ayon kay __ ____, ang wikang pambansa ay ang wikang ginagamit sa pang araw-araw na pamumuhay ng lahat ng mamamayan sa isang bansa.
Mj Aspa.
Ayon kay Manuel Quezon, bakit kailangan ng wikang pambansa?
“Ang pagkakaroon ng pambansang wika na nakabatay sa isang katutubong wika na umiiral sa bansa ay magiging tunay na bigkis ng pambansang pagkakaisa.
Ano ang nakasaad sa Batas Komonwelt Blg. 184?
Pagtatatag ng Surian ng Wika.
Ano ang ginagawa ng surian ng wika?
Mag-aaral upang mapili kung alin sa mga katutubong wika ang nararapat na maging batayan ng magiging wikang pambansa.
Sino ang pangulo at kalihim ng surian ng wikang pambansa?
Jaime C. De Veyra (Waray), Cecilio Lopez (Tagalog)
Ano ang sinasaad ng Artikulo 8, Seksiyon 3 ng Saligang Batas 1935?
Ang kongreso ay dapat magsagawa ng mga hakbang sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa na nakabatay sa wikang katutubo.
Ano ang tatlong pamantayan sa pambansang wika?
Ginagamit ng nakakaraming pilipino. Ginagamit sa pagsulat ng pinakadakilang panitikang pilipino. May pinakamaunlad na balangkas at mayamang mekanismo at madaling matutuhan.
Ano ang isinasaad ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 noong 1937?
Adapsiyon ng Tagalog bilang batayan ng pambansang wika. Ang wikang pambansa ay iababatay sa wikang tagalog.
Ito ang kautusan na nagsasabi na Pilipino ang gamit pantukoy sa pambansang wika, hindi Tagalog.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, s. 1959 ng Kagawaran ng EDUKASYON at Kultura.
Ano ang isinasaad sa Artikulo 14, Seksiyon 6, Saligang Batas 1987?
Ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino.
Ano ang simbolo ng letrang F?
Ginagamit upang ipakita ang pagiging masaklaw ng wikang pambansa.
Ito ang wikang sama-samang itinataguyod ng mamamayan upang magsilbing simbolo ng kanilang pagkakakilanlan.
Pambansang Wika.