Modyul 4 Flashcards
Bago dumating ang mga Kastila, ang ating panitikan ay karaniwang palipat-dila at nagtataglay ng impluwensya ng kaisipang Malayo-Indonesyo.
Katutubong Panitikan
Panahon ng panunulad, pagkabaguhan sa kaisipang kanluranin, ngunit pagkagising sa doktrina ng pag-ibig pangkristiyanismo.
Panahon ng mga Kastila
Ang malaapoy na pagkagising naman ng damdamin makabayan at simula ng pagkakaisang Pambansa.
Panahon ng Propaganda at
Himagsikan
Ang pag-adbentura sa mga bagong anyo at
diwa ng panitikan.
Panahon ng mga Amerikano
Pagkapuri ng henyong pampanitikan
Panahon ng mga Hapon
Kaakbay ang maraming suliraning iniwan ng digmaan at ng pagpupunyaging matagpuan ang sariling pagkakakilanlan (identidad) at nang nawaglit na kaluluwa ng lahi.
Bagong Panahon o
Panahon ng Kasarinlan
malayang pagsasama-sama ng
mga salita sa karaniwang takbo
ng pangungusap.
Tuluyan (prose)
Binubuo ng mga salitang may
sukat at tugma.
Patula
Ang sukat ay ang bilang ng pantig
ng mga salita (6, 8, 12, 16) sa
isang taludtod.
Patula
Ang tugma ay pagkakatulad ng
mga tunog sa huling pantig ng
mga huling salita sa bawat
taludtod ng bawat saknong ng
tula.
Patula
Ang karaniwang paksa nito ay
tungkol sa pinanggalingan ng
isang bagay.
Alamat
Ang salaysaying ito ay kathang
isip lamang ng ang layunin ay
magbigay aral sa mga
mambabasa.
Anekdota
Ito ay salaysaying mahaba na
nahahati sa mga kabanata may
maraming tauhan at tagpuan
Nobela
Mga salaysaying likhang-isip
lamang na layuning hubugin
ang magandang pag-uugali at
kilos ng mga bata.
Pabula
Mga hayop ang tauhan dito.
Pabula
Ito ay salaysaying hango sa
Bibliya, nagbibigay aral sa mga
tagapakinig o tagabasa.
Parabula
Ito ay salaysaying may iilang
tauhan at isang pangyayari sa
kasukdulan.
Maikling Kwento
Ito ay nahahati sa ilang yugto
na ang bawat yugto ay
maraming tagpo.
Dula
Ito ay nagpapahayag ng
opinion o kuro-kuro ng may
akda sa isang pangyayari o
suliranin.
Sanaysay
Ito ay tala ng Kasaysayan ng
buhay ng isang tao. Maaaring
pansarili o sa iba.
Talambuhay