MODYUL 2: ANG MATAAS NA GAMIT AT TUNGUHIN NG ISIP AT KILOS-LOOB Flashcards

1
Q

Bakit kaya ni Rona na kontrolin ang sarili at ang udyok ng kaniyang damdamin?
Si Rona ay mahilig sa tsokolate subalit nang nagkaroon siya ng sakit na diabetes naging maingat na siya sa pagpili ng kaniyang kinakain kahit gustong-gusto niya nito.
a. ang tao ay may kamalayan sa sarili
b. malaya ang taong pumili o hindi pumili
c. may kakayahan ang taong mangatwiran
d. may kakayahan ang taong mag-abstraksiyon

A

B

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa kakayahan ng tao sa sitwasyong ito?
a. magagawa ng taong kontrolin ang kaniyang pandamdam at emosyon at ilagay ang paggamit nito sa tamang direksiyon
b. ang tao ang namamahala sa kaniyang sarili at walang ibang makapagdidikta sa kaniya ng kailangan niyang gawin
c. kailangang maging maingat ang tao sa pagpili ng kaniyang kakainin upang maiwasan ang pagkakasakit
d. hindi maaaring pantayan ng hayop ang kakayahang taglay ng tao kaya nga ang tao ay natatangi

A

A

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

“Ibinibigay ng isip ang katuwiran bilang isang kakayahan upang maipluwensiyahan ang kilos-loob.” Ano ang kahulugan nito?
a. walang sariling paninindigan ang kilos-loob
b. nakadepende ang kilos-loob sa ibinibigay na impormasyon ng isip
c. kailangang maging matalino ang isip sa pamamagitan ng pag-aaral nang
mabuti
d. hindi maaaring maghiwalay ang isip at ang kilos-loob dahil magkakaugnay
ang mga ito

A

A

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

Kung ang pandama ay depektibo nagkakaroon ito ng epekto sa isip. Tama ba o mali ang pahayag?
a. Tama, dahil ang isip ay may koneksiyon sa pandama
b. Tama, dahil ang pandama ang nagbibigay kaalaman sa isip
c. Mali, dahil magkahiwalay ang pandama na kakayahan at isip
d. Mali, dahil may taglay na kakayahan ang isip upang salain ang impormasyon
na naihahatid dito

A

A

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

“Ang katotohanan ay ang tahanan ng mga katoto,” ayon kay Fr. Roque Ferriols. Ano ang ibig sabihin nito?
a. ang katotohanan ay masusumpungan sa loob ng tahanan kung sama-samang hinahanap ito
b. ang katoto ay mga taong magkakasama sa tahanan
c. may kasama ako na makakita sa katotohanan
d. ang katotohanan ay nakikita ng mga tao

A

A

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

Ano ang nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa kapuwa?
a. kakayahang mag-abstraksiyon
b. kamalayan sa sarili
c. pagmamalasakit
d. pagmamahal

A

A

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
7
Q

Nabibigyang kahulugan ng isip ang isang sitwasyon dahil sa kamalayan at kakayahang mag-abstraksiyon. Kapag nabigyan ng kahulugan ang isang bagay o sitwasyon nagkakaroon ito ng tawag (calling) sa tao na dapat tugunan. Ano ang kaisipan mula rito?
a. nagkakaroon ng kabuluhan ang mabuhay sa mundo
b. nabibigyang daan nito ang pagtulong sa kapuwa
c. napauunlad nito ang kakayahang mag-isip
d. nagkakaroon ng pagpipilian ang kilos-loob

A

A

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
8
Q

Ano ang tawag kapag tumugon ang tao sa obhetibong hinihingi ng sitwasyon?
a. pagmamahal
b. paglilingkod
c. hustisya
d. respeto

A

B

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
9
Q

Ang hayop ay may kamalayan sa kaniyang kapaligiran dahil may matalas itong kakayahan upang kilalanin ang bagay na nakikita, tunog, o amoy ng kaniyang paligid lalo na kung ito ay may kaugnayan sa kaniyang buhay. Mayroon din itong pakiramdam sa kung ano ang mabuti at masama para sa kaniyang kabutihan o kapakanan. Mula sa mga pahayag para saan ang kakayahang ito ng hayop?
a. kailangang makita ang kakayahan ng hayop upang pahalagahan sila
b. ang kumilos upang pangalagaan o protektahan ang kaniyang sarili
c. mapaunlad ng hayop ang mga kakayahang ito
d. upang maihalintulad ito sa kakayahan ng tao

A

A

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
10
Q

Ano ang kakayahan ng isip na layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan?
a. mag-isip
b. makaunawa
c. maghusga
d. mangatwiran

A

A

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly