MODYUL 1: ANG MGA KATANGIAN NG PAGPAPAKATAO Flashcards

1
Q

Alin ang hindi tinutukoy ng bahaging “mahirap magpakatao” sa kasabihang “Madaling maging tao, mahirap magpakatao?”
a. Ito ang nagpapabukod-tangi sa tao sa kaniyang kapuwa-tao.
b. Ibang mag-isip at tumugon ang bawat isa sa magkapatid na kambal kung
maharap sa parehong sitwasyon.
c. Nililikha niya sa kaniyang sarili ang mga katangiang nagpapabukod-tangi sa
kaniya habang siya ay nagkakaedad.
d. May kakayahan ang tao na itakda ang kaniyang kilos para lamang sa
katotohanan at kabutihan.

A

a. Ito ang nagpapabukod-tangi sa tao sa kaniyang kapuwa-tao.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

Alin ang nagpapahayag sa katangian ng tao bilang indibidwal?
a. Ang tao ay may matibay na paninindigan, pagpapahalaga, at paniniwalang
bukod-tangi sa lahat.
b. Hiwalay ang tao sa ibang tao dahil noong siya ay isinilang, nagsimula na siyang
mag-okupa ng espasyong hiwalay sa ibang sanggol.
c. Lahat ng tao ay pantay-pantay kahit magkakaiba ang mga katangian, pangarap
at pagpapahalaga ng bawat isa.
d. Bukod-tangi ang tao at naiiba sa kaniyang kapuwa dahil siya ang lumilikha ng
kaniyang pagka-sino.

A

a. Ang tao ay may matibay na paninindigan, pagpapahalaga, at paniniwalang
bukod-tangi sa lahat.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

Ano ang kahulugan ng pangungusap?
“Ang tao bilang persona ay isang proseso ng pagpupunyagi tungo sa pagiging
ganap na siya.”
a. Nililikha ng tao ang kaniyang pagka-sino sa pamamagitan ng pagsisikap.
b. Lahat ng tao ay dumadaan sa proseso ng pag-unlad.
c. Dapat magsikap ang lahat ng tao.
d. Nagiging ganap ang tao dahil sa kaniyang pagpupunyagi.

A

b. Lahat ng tao ay dumadaan sa proseso ng pag-unlad.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

Aling yugto ng pagka-sino ng tao ang nagpapakita ng pagkamit ng kaniyang kabuuan, kaya hindi siya naiimpluwensiyahan ng pananaw ng nakararami dahil sa kaniyang matibay na paninindigan?
a. Persona
b. Personalidad
c. Pagme-meron
d. Indibidwal

A

b. Personalidad

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

Alin sa sumusunod ang nagpakita ng katangian ng hindi pa ganap na personalidad?
a. Nakibahagi si Kesz sa paglutas ng mga suliraning kinakaharap ng kabataan sa buong mundo.
b. Naitaas ni Kap Roger ang antas ng kabuhayan ng kaniyang pamilya at kapuwa magsasaka.
c. Naging instrumento ang mga painting ni Joey Velasco upang imulat sa mga tao ang epekto ng kahirapan at kawalan ng katarungan sa bansa.
d. Nagpasya si Raffy na magsumite ng proposal tungkol sa Career Guidance upang mabigyang-solusyon ang problema ng job-skills mismatch sa bansa.

A

c. Naging instrumento ang mga painting ni Joey Velasco upang imulat sa mga tao ang epekto ng kahirapan at kawalan ng katarungan sa bansa.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

Ano ang buod ng talata?
May kakayahan ang tao na gawing obheto ang kaniyang sarili. Dahil sa kaniyang kakayahang magmuni-muni, alam ng tao na alam niya o hindi niya alam. Nagiging mundo ang kaniyang kapaligiran dahil sa kakayahan niyang pag-isipan ang kaniyang sarili.
a. Ang tao ay may kamalayan sa sarili.
b. Alam ng tao sa mundo ang anumang bagay na may kaugnayan sa kaniyang sarili.
c. Maraming magagawa ang isip ng tao.
d. Gamit ang pagmumuni-muni, nalalaman ng tao ang mga bagay na hindi niya
alam.

A

d. Gamit ang pagmumuni-muni, nalalaman ng tao ang mga bagay na hindi niya
alam.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
7
Q

Anong katangian ng pagpapakatao ang ipinakita ni Buddha sa pangungusap? Noong nakita ni Buddha ang apat na lalaki – isang matanda, may ketong, bangkay, at pulubi, nakabuo siya ng buod ng buhay: Ang buhay ay isang pagdurusa.
a. May kamalayan sa sarili
b. Umiiral na nagmamahal
c. May kakayahang kumuha ng esensiya ng mga umiiral
d. Tumutugon sa tawag ng paglilingkod

A

b. Umiiral na nagmamahal

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
8
Q

Anong katangian ng pagpapakatao ang ipinamalas ni Mother Teresa sa talata?
Sa kaniyang pagninilay, narinig niya ang tawag ng paglilingkod sa labas ng kumbento – ang tulungan ang mga batang napabayaan, mga taong hindi minahal at may sakit na hindi inalagaan. Ginamit niya ang kaniyang kaalaman sa panggagamot at kakayahan sa pagtuturo upang tugunan ang pangangailangang pisikal at espiritwal ng mga mahihirap.
a. May kamalayan sa sarili
b. Umiiral na nagmamahal
c. May kakayahang kumuha ng buod o esensiya ng mga umiiral
d. May pagtanggap sa kaniyang mga talento

A

c. May kakayahang kumuha ng buod o esensiya ng mga umiiral

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
9
Q

Alin ang dapat paunlarin ng tao upang maisagawa ang kaniyang misyon sa buhay na siyang magiging daan tungo sa kaniyang kaligayahan?
a. Mga katangian ng pagpapakatao
b. Mga pangarap at mithiin
c. Mga talento at kakayahan
d. Kasipagan at katapatan

A

b. Mga pangarap at mithiin

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
10
Q

Alin ang hindi tinutukoy ng bahaging “madaling maging tao” sa kasabihang “Madaling maging tao, mahirap magpakatao?”
a. May isip at kilos-loob ang tao.
b. May kamalayan siya sa kaniyang pagtungo sa kaniyang kaganapan.
c. Tapat ang tao sa kaniyang misyon.
d. May konsensiya ang tao.

A

b. May kamalayan siya sa kaniyang pagtungo sa kaniyang kaganapan.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly