Modyul 1 - 6 Flashcards
Proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto
Pagbasa
Kompleks na kasanayan na nangangailangan ng koordinasyon ng iba’t ibang magkakaugnay na pinagmumulan ng impormasyon
Pagbasa
“Ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan at kompleks na kasanayan.” Saan at kanino nagmumula ang ganitong kahulugan ng pagbasa?
“Becoming a Nation” ni Aderson et. al (1985), sinipi/na-cite sa aklat ni Sicat et. al (2016)
Ano ang tatlong pinanggalingan ng mga kaisipan sa pagbasa?
- Imbak o umiiral nang kaalaman ng mambabasa
- Impormasyong ibinibigay sa tekstong binabasa
- Konteksto ng kalagayan o sitwasyon sa pagbabasa
Saan at sino ang nagbanggit ng mga pinanggalingan ng mga kaisipan sa pagbasa?
“New Directions in Statewide Reading Assessment” ni Wixson et al. (1987), sinipi/na-cite ni Sicat et al. (2016)
Makrong kasanayan na kognitibong hakbang ng pagtukoy sa kaisipian ng bawat simbolo
Pagbasa
Dalawang pangkalahatang kategorya ng mapanuring pagbasa
Intensibo at ekstensibo
Kategorya ng mapanuring pagbasa na kinapapalooban ng malalimang pagsusuri sa pagkakaugnay, estruktura, at uri ng diskurso sa loob ng teksto
Intensibong pagbasa
Kategorya ng mapanuring pagbasa na may layuning makuha ang “gist” o pinakaesensiya at kahulugan ng binasa
Ekstensibong pagbasa
Mabilisang pagbasa ng teksto upang hanapin ang ispesipikong impormasyon bago magbasa
Scanning
Kinapapalooban ito ng bilis at talas ng mata sa paghahanap
Scanning
Mabilisang pagbasa upang alamin ang kahulugan ng kabuoang teksto kung paano inorganisa ang mga ideya at ano ang layunin ng manunulat
Skimming
Saan at sino ang nagsasabi ng mga iba’t-ibang antas ng pagbasa?
Adler at Doren (1973), sinipi/na-cite sa aklat ni Sicat et al. (2016)
Ibigay ang apat na antas ng pagbasa
- Primarya (Elementary)
- Mapagsiyasat (Inspectional)
- Analitikal (Analytical)
- Sintopikal
Antas ng pagbasa na tumutukoy sa tiyak at ispesipikong impormasyon gaya ng petsa, lugar, at mga tauhan ng teksto
Primarya
Antas ng pagbasa kung saan ang mambabasa ay nakakaunawa sa kabuoang teksto, nagbibigay ng mga hinuha, at nagbibigay ng paunang rebyu.
Mapagsiyasat
Antas ng pagbasa kung saan ginagamit ang mapanuri na pag-iisip upang maunawaan ang kahulugan ng teksto. Bahagi nito ang pag-alam kung katotohanan o opinyon ang teksto.
Analitikal
Antas na pagbasa kung saan kinapapalooban ng paghahambing sa iba’t-ibang teksto at nakabubuo rin ng sariling pananaw.
Sintopikal
Manunulat na nagpaunlad ng reyalismong pampanitikan sa Pransiya at sumikat sa kanyang akda na Madame Bovary
Gustave Flaubert
“Huwag kang magbasa, gaya ng mga bata, upang libangin ang sarili, o gaya ng matatayog ang pangarap, upang matuto. Magbasa upang mabuhay.”
Gustave Flaubert (1857)
Pagsisiyasat ng tekstong babasahin: Bago, Habang, at Pagkatapos Magbasa?
Bago magbasa
Previewing o surveying sa pamamagitan ng mabilisang pagtingin: Bago, Habang, at Pagkatapos Magbasa?
Bago magbasa
Pagtantiya sa bilis ng pagbasa: Bago, Habang, at Pagkatapos Magbasa?
Habang binabasa
Biswalisasyon ng binasa: Bago, Habang, at Pagkatapos Magbasa?
Habang binabasa
Pagbuo ng koneksyon: Bago, Habang, at Pagkatapos Magbasa?
Habang binabasa
Paghihinuha: Bago, Habang, at Pagkatapos Magbasa?
Habang binabasa
Pagsubaybay sa komprehensiyon: Bago, Habang, at Pagkatapos Magbasa?
Habang binabasa
Muling pagbasa ng teksto: Bago, Habang, at Pagkatapos Magbasa?
Habang binabasa
Pagkuha ng kahulugan mula sa konteksto: Bago, Habang, at Pagkatapos Magbasa?
Habang binabasa
Pagtatasa ng komprehensiyon: Bago, Habang, at Pagkatapos Magbasa?
Matapos bumasa
Pagbubuod: Bago, Habang, at Pagkatapos Magbasa?
Matapos bumasa
Pagbuo ng sintesis at ebalwasyon: Bago, Habang, at Pagkatapos Magbasa?
Matapos bumasa
Mga pahayag na maaaring mapatunayan gamit ng emperikal na karanasan, pananaliksik, o pangkalahatang impormasyon
Katotohanan
Mga pahayag na nagpapakita ng preperensiya o ideya batay sa personal na paniniwala. Gumagamit ng mga panandang diskurso tulad ng “sa opinyon ko.”
Opinyon
Tumutukoy sa nais na iparating at motibo ng manunulat
Layunin
Tinutukoy rin nito ang suliranin o pangunahin tanong ng akda
Layunin
Ito ay ang pagtukoy kung ano ang preperensiya ng manunulat sa teksto at distansiya niya sa paksang tinatalakay.
Pananaw
Ang ipinahihiwatig na pakiramdam ng manunulat sa teksto.
Damdamin
Ang tekstong impormatibo ay tinatawag ding _________.
Ekspositori
Isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay ng impormasyon
Tekstong Impormatibo
Ano ang layunin ng tekstong impormatibo?
Magpaliwanag sa mga mambabasa ng ano mang paksa