Module 7 - 12 Flashcards
Ibigay ang 8 paraan ng pangangalap ng datos
Sinupan
Pakikipanayam o interbyu
Focus group discussion
Pagsasagawa ng sarbey
Imersyon
Pag-eeksperimento
Obserbasyon
Internet website
Pagkuha sa aklat, journal, magasin, at pahayagan ng isang silid-aklatan o library, upang makahanap ka ng mga impormasyon na kailangan sa iyong pag-aaral
Sinupan
Ang sinupan ay tinatawag ding ____________.
Archival research
Pakikipag-usap sa isang eksperto tungkol
sa paksang pinag-aaralan mo
Pakikipanayam o interbyu
Ibigay ang dalawang uri ng panayam
Pormal na panayam at di-pormal na panayam
Pinaghahandaan ang mga tanong at itinatakda
sa espesipikong lugar at panahon. Mayroon itong pormal na abiso o imbitasyon.
Pormal na panayam
Kadalasang ginagawa sa kapamilya, kamaganak, o kaibigan. Maaaring sabihan ang kapapanayamin sa araw mismo ng panayam.
Di-pormal na panayam
Sa di-pormal na panayam, ____________ ang usapan sa panayam na ito.
Kaswal
Halimbawa rin ng pakikipanayam ngunit sa apat o higit pang kalahok na may magkakaparehong karanasan na maaaring kapupulutan ng impormasyong tungkol sa iyong pananaliksik
Focus group discussion
Pagpapasagot sa mga respondente ng
talatanungan kung saan ang kanilang tugon ay makatutulong sa iyong pag-aaral.
Pagsasagawa ng sarbey
Sadyang paglalagay sa iyong sarili sa isang karanasan o pakikisalamuha sa isang grupo ng tao ng pagkukuhaan ng tiyak na kaalaman.
Imersyon
Pagsubok ng isang bagay bago sumulat ng akda o anumang pag-aaral.
Pag-eeksperimento
Pagmamasid sa mga bagay-bagay, tao o pangkat, pangyayari, at mga katangian na kaugnay ng paksa.
Obserbasyon
Tinatawag na hanguang elektroniko
Internet website
Ano ang ibig sabihin ng akronim na “URLs”?
Uniform Resource Locators
Ang web page Uniform Resource Locators (URLs) na nagtatapos sa “.edu” ay mula sa ____________.
Institusyon ng edukasyon o akademiko
Ang .org ay nangangahulugang mula sa isang __________.
Organisasyon
Ang .com ay mula sa ___________ o ____________.
Komersyo o bisnes
Ang .gov ay nangangahulugang mula sa ___________.
Institusyon o sangay ng pamahalaan
Ibigay ang 2 uri ng hanguan ng impormasyon o datos
Hanguan Primarya (“Hanguang” sa Google)
Hanguang Sekondarya
Datos na nagmula sa tuwirang pinanggalingan ng
impormasyon.
Hanguan Primarya
Datos na nagmula sa tao o organisasyong hindi tuwirang pinanggalingan ng impormasyon. Maaaring pinagpasahan lamang ito ng impormasyon, ngunit hindi direktang nakasaksi o nakaranas ng pinag-aaralang pangyayari.
Hanguang Sekondarya
Mga nakalap na patunay mula sa mga isinasagawang pag-aaral
Datos
Datos na dumaan na sa pagpoproseso o pagsusuri
Impormasyon
Matapos mong mabasa ang isang teksto o tiyak na datos, maaari mo itong bigyan ng sariling interpretasyon at pag-unawa sa teksto
Pagpapakahulugan
Mga uri ng pagpapakahulugan
Literal
Konseptwal
Propesyunal
Pragmatik
Matalinghaga
Ang mga nabasang pahayag o sinabi ng isang tao ay maaaring tuwirang kuhain lalo na at malaki ang kinalaman sa ginagawang sulatin.
Tuwirang Sipi
Ibigay ang 2 paraan sa pagsulat ng direktang sipi
- Sinisipi ang buong pahayag at inilalagay sa ilalim ang pangalan ng nagsabi
- Ipinapasok ang pangalan ng nagsabi sa loob ng talata
Isinusulat ito sa sariling pangungusap na mas pinaikli ngunit ang diwang tinataglay ay nananatiling naroon. Makikita ang kabuuang kaisipan o pananaw ng orihinal na tekstong binasa.
Sinopsis o lagom
Pagsasama-sama ng mga datos upang mapagdugtong-dugtong na magiging resulta ng pagbuo ng panibagong ideya o kaalaman. Ito rin
ay pagsasaayos at pagdudugtong ng mga magkakahiwalay na bahagi at ideya ng isang sulatin upang mabuo at maging ganap ang diwa.
Sintesis
Matapos mabasa ang buong nilalaman, gagawa ng
pinakamaikling buod ng mahahalagang punto, pahayag, ideya at impormasyon.
Presi/Presis
Ang tiyak na datos ay ipapahayag ng ibang ideya sa pamamagitan ng iyong sariling pananalita. May pagdaragdag at pagkakaltas na.
Hawig (Paraphrase)