Module 6: Ang Pagtuturo ng WIka Flashcards
MGA KONSEPTONG KAUGNAY SA PAGTUTURO
• Metodo
• Estratehiya
• Teknik
• Dulog
• Pamaraan
• Metodolohiya
• Silabus
Ito ang tawag sa panlahat na pagplano para sa isang sistematikong at epektibong pagtuturo ng isang aralin. May tiyak na hakbang na sinusunod
Metodo
Sa wika, ito ang tawag sa mga kagamitan at gawaing ginagamit sa bawat hakbang ng pagtuturo. Halimbawa ay ang gamit ng mga awtentikong teksto, larawan, o larong pangwika
Estratehiya
Tawag sa paraan ng organisasyon ng interaksyong pangklase. Alinman sa mga kagamitang pagsasanay o gawain sa loob ng klasrum, upang maisakatuparan ang mga layunin
ng isang aralin.
Teknik
Isang set ng pagpapahalagang hinggil sa kalikasan ng wika, pagkatuto at pagtuturo.
Dulog
Isang panlahat na pagpaplano para sa isang sistematikong paglalahad wika at batay sa isang dulog
Pamaraan
Ito’y isang pag-aaral ng mga gawaing pedagohikal (kasama rito ang mga
paniniwalang teoretikal at kaugnay na pananaliksik). Ito’y tumutugon din sa anumang konsiderasyon kaugnay ng tanong na “paano ang pagtuturo”.
Metodolohiya
Ito’y isang disenyo sa pagsasagawa ng isang particular na programang pangwika. Itinatampok dito ang mga layunin, paksang aralin, pagkakasunod-sunod ng mga aralin at mga kagamitang panturo na makatutugon sa mga pangangailangang pangwika ng isang tiyak na pangkat ng mga mag-aaral
Silabus
MGA SIMULAIN SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO NG WIKA
- Simulaing Nakapukos sa mga mag-aaral
- Simulaing Nagsasangkot sa Mag-aaral
- Simulaing Nakatuon sa Target na Wika
- Simulaing Nakapokus sa ilang anyo ng Wika
- Simulaing Sosyo-Kultural
- Simulain ng Kamalayan
- Simulain ng Pagtataya
- Simulain ng Pananagutan
Sa simulaing ito, itinuturing ang bawat mag-aaral na may taglay na sariling pangangailangan at interes
Simulaing Nakapukos sa mga Mag-aaral
Isinasaad sa simulaing ito na dapat bigyan ang bawat mag-aaral ng maraming pagkakataon upang makilahok sa iba’t-ibang uri ng gawaing komunikatibo.
Simulaing Nagsasangkot sa Mag-aaral
Binibigyang halaga ng simulaing ito na kailangang bigyan ng guro ang mga mag-aaral ng mga input na komunikatibo na abot ng kanilang pang-unawa at makabuluhan para sa sarili nilang pangangaailangan at interes.
- Simulaing Nakatuon sa Target na Wika
Upang mahusay na malinang ang kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral sa loob ng maikling panahon, kailangang ng guro ang mga mag-aaral sa ilang anyo at gamit ng wika, mga kasanayan at stratehiya
Simulaing Nakapokus sa Ilang anyo ng Wika
Ang wika ay hindi maihihiwalay sa kultura ng mga taong gumagamit nito. Mahalagang magkaroon ng mga kaalamang Kultural upang maunawaan at mabigyang-kahulugan ang sinasabi ng kausap.
Simulaing Sosyo-kultural
Ang pag-aaral ng wika ay nagbibigay ng pagkakataon sa mag-aaral na lubos na maunawaan ang ugnayan ng wika at kultura. Kailangan ng isang mag-aaral ng wika ang
pagiging sensitibo sa wika at kultura ng ibang tao.
Simulain ng Kamalayan