MODULE 4 Flashcards
MGA YUGTO SA MABISANG PAGSULAT
- Bago sumulat
- Pagbuo ng unang draft
- Pag-edit at pagrebisa
- Huli o pinal na draft
- Paglalathala o paglilimbag
Sa yugtong ito, ang pag-iisip, pagpaplano, pananaliksik at pag-iimbento ng ideya.
Bago sumulat
Sa yugtong ito naman, matiyagang iniisa-isa ang mga konsepto na lalamanin ng akademikong sulatin.
Pagbuo ng unang draft
Sa yugtong ito, inaayos ang unang draft. Dito iniwawasto and kamalian tulad ng baybay, bantas, at mismong nilalaman ng akademikong sulatin.
Pag-edit at pagrebisa
Sa yugtong ito makikita ang kalinisan o kaayusan ng akademikong sulatin. Pulidong isinulat at handa nang
ipasa at mabasa upang ipabatid ang layunin ng pagsulat nito.
Huli o pinal na draft
Sa yugtong ito, maibabahagi sa mas maraming mambabasa ang impormasyon nais ipabatid bilang ambag sa
produksiyon ng karunungan.
Paglalathala o paglilimbag